CLOSE
Friday. Dati gustong gusto ko ang araw na Friday dahil pagkatapos ng araw na 'to ay makakasama ko ng maghapon sina Mommy sa Linggo o 'di kaya'y Sabado, kapag walang gaanong trabaho sina Mommy. Pero ngayon, walang ganap. Walang exitement. Nakaka-miss sina mommy.
Bumaba na ako mula sa kuwarto, wearing my uniform. It's a dark blue skirt na may slit sa likod at white blouse na may dark blue neck tie. At school I.D na may nakalagay na Business sa lace. Iba ibang style ang bawat course sa school namin kaya mabilis mong ma-identify kung anong course ng iba.
"Naaawa ako sa kaniya, she didn't know everything…" rinig kong usapan nila Tita, pero nang pumasok ako sa dining area ay natahimik sila.
"Nandiyan ka na pala, hija. Maupo ka na at kumain." Ngumiti ako kay tito at umupo na sa tabi ni Axton.
"Sabay na daw kayo sa pagpasok ni Kuya Ax, araw araw, Ate Julia." Nakangising sambit ni Cai. Ngumiti lang ako at tumango saka naglagay ng pagkain sa plato ko.
Konting sinangag at tocino ang kinuha ko at kinain. Napatingin sa akin ng masama si Axton kaya tiningnan ko rin siya ng nagtatanong na tingin.
"Ganyan lang kaonti ang kakainin mo?" Napatingin ako sa plato ko. Wala akong gana kaya hindi ako kakain ng marami. Binalik ko ang tingin sa kaniya at tumango.
Nagulat ako ng dinagdagan niya ng itlog, bacon at ham ang plato ko,dinagdagan rin niya ng kanin. Napatingin ako sa kaniya pero sinamaan at tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Ang dami." Nahihiyang reklamo ko.
"You should eat more. 'Wag masyadong konti. Hindi nakakabusog 'yon. Baka mamaya mahimatay ka sa school dahil konti lang ang kinain mo." Pagsesermon pa niya sa akin. Ngumuso ako at tumingin ulit sa pagkain ko.
"Ang dami. Baka hindi ko maubos 'to lahat." Nakangusong sambit ko.
"Eat. 'Wag mong ngusuan hindi mauubos 'yan."
"E, ang dami masyado. Hindi naman ganito karami ang kinakain ko." Reklamo ko pa.
"Kakain ka o susubuan pa kita para maubos mo 'yan?" Panghahamon niya. Nanlaki ang mga mata ko. At agad nag-iwas ng tingin.
"Kakain na nga, e."
Saka ko lang na-realize na natahimik ang buong dining area. Tumingin ako sa paligid at lahat sila ay nakatingin sa amin ni Axton. Nangingiti pa sila. Si Kuya Zech ay hindi na napigilan ang ngisi at nagpatuloy na sa pagkain. Si Cai naman ay nagpatuloy sa pagkain pero nakangiti nang mapang-asar. Si Tito at Tita ay nag-iwas ng tingin at sumimsim sa baso ng tubig, to suppress their smile. What the heck. Si Axton, ito! Walang pakialam sa paligid. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at hindi na sila pinansin at pinilit na inubos ang pagkain.
Tumayo na si Axton nang maubos ang pagkain niya at pumunta sa kusina para doon mag-toothbrush. Ako naman ay binilisan ang pagkain para maabutan siya. Nang matapos akong kumain,umakyat na ako at doon nagsipilyo. Kinuha ko ang bag ko at laptop sa kama saka bumaba.
Naabutan ko si Axton na prenteng nakaupo sa couch at nakatingin sa cellphone niya. Nang mapansin ang presensya ko ay tumayo na siya at ibinulsa ang cellphone saka kinuha ang bag.
"Aalis na po kami." Paalam ko kina Tito at Tita na naghahanda na rin para sa pag-alis papasok sa trabaho. Si Cai ay paniguradong nakaalis na. Si Kuya Zech naman ay baka nasa kuwarto niya.
"We're going, mom, dad." At humalik na siya sa pisngi ng mommy niya saka naglakad palabas.
"Mag-ingat kayo, ah. Have a nice day!" Ngumiti ako sa sinabi ni Tita at sumunod na kay Axton sa garahe.
Corvette ang gamit niya na kulay itim. Wow. Lexus ang gamit niya kahapon, tapos ngayon ito. Ang dami naman ata niyang kotse? Sa ganitong edad?
"Ilan ang kotse mo?" Tanong ko habang nagsi-seatbelt. He started the engine and glanced at me.
"Tatlo lang." Wow! Lang. Sana all. May 'tatlo lang' na kotse.
Napatango nalang ako at hindi na nagsalita sa biyahe. Hindi rin naman siya palasalita kaya parehas lang kami na walang imik. Nagpapatugtog lang siya ng pop music. May halong jazz minsan kaya ang sarap sa tenga pakinggan.
Hindi ko namalayan na nasa school na kami. Tinatanggal ko palang ang seatbelt nang magsalita siya.
"Hihintayin kita o 'di kaya ay hihintayin mo 'ko tuwing uwian." Tumango ako sa sinabi niya kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. He reached out for his pocket and took out his phone. He handed it to me. Pero tiningnan ko lang 'yon. Anong gagawin ko diyan? "Put your number. So that I'll contact you, kung nasa meeting ka o ano." Paliwanag niya kaya agad kong na-gets at kinuha 'yon at nilagay ang number ko.
Lumabas na ako ng kotse niya. Ganoon rin siya. May kinakalikot siya sa cellphone niya habang nakasabit ang isang strap ng bag niya. Ang gwapo niya lalo tingnan. Habang busy ako tumingin sa kaniya ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko naman agad 'yon.
From: Unknown Number
Save my number. 'Axton baby' ang ilagay mo.
Muntik pa akong madapa nang mabasa ang text niya. Marahas ko siyang binalingan ng tingin. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Put that name on." Tanging sambit niya na nagpa-init sa pisngi ko. Saka ako nilagpasan.
What the hell Axton!
Sinave ko naman agad ang number niya pero hindi ko nilagyan ng 'baby' nakakahiya. Mamaya manghalungkat yung dalawang bruha kong kaibigan at makita ang gano'ng pangalan, ano ie-explain ko?
From: Ate Brayleigh
May meeting daw lahat ng members ng bawat clubs. Kasama ka sa Art Club 'di ba? Punta daw kayo sa school park.
Bakit si ate Bray ang nagte-text sa akin?
From: Ate Brayleigh
Wala daw silang number mo. They want to ask your number personally. Nahihiya ata sayo.
From: Ate Brayleigh
Ganda mo, be! HAHAHA may tatlo nga palang lalaki ang nanghihingi ng number mo sa akin last time, kaso hindi ko binigay baka sapakin ako ng isa diyan HAHAHA.
Kumunot ang noo ko sa text niya. What did she mean by that?
To: Ate Brayleigh
Thanks ate. What time nga pala?
Wala pang limang segundo ay nag-reply na siya.
From: Ate Brayleigh
After lunch daw. Forward ko ba sayo yung text ng President ng Art Club?
To: Ate Brayleigh
'Wag na ate. Thank you. Pakisabi pupunta ako. :)
Itinago ko na ang cellphone ko dahil dumating na ang prof namin. Nakinig ako dahil isang himala, hindi nagdadaldal ang dalawa kong kaibigan at ang tahimik nila. Napatingin ako kay Leanne na parang kanina pa badtrip. Si Clea naman ay parang tulala.
"What happen to the both of you?" I asked curiously.
"Wala." Sabay na sambit nila at tumingin nalang ulit ako sa prof namin.
Nag-away ba sila? Hindi naman ata. Hindi naman nag-aaway ang dalawang 'to. Sa aming tatlo, never pa kaming nag-away away. Since elementary. Wala pa kaming pinag-awayan. Pero bakit ganito silang dalawa ngayon? Anong nangyari?
"Class dismissed." Sambit ng prof at agad nagsitayuan ang mga kaklase ko. Ako naman ay inayos ang gamit at tumingin sa dalawa kong kaibigan.
"Nag-away ba kayo?" I asked carefully. Nagtinginan silang dalawa at tumingin sa akin.
"No." Sagot ni Leanne.
"Then, why you two are so… silent? What happened?" Tanong ko at binitbit ang laptop at hinawakan sa kanang kamay ang cellphone.
"Wala. Nag-iisip lang ako ng gagawin for our you know… research." Saad ni Clea.
"For an hour? For the whole class? 'Yun ang iniisip mo?" Takang tanong ko.
Napakurap si Clea at biglang namula. Umiwas rin siya ng tingin sa bintana. Tumingin ako doon at nakita si Raven at Yisroel na naglalakad. Si Leanne naman ay biglang napairap nang magkatinginan sila ni Yisroel. I don't know… pero may hint na sa utak ko kung anong nangyayari sa mga kaibigan ko.
"Okay, I'm not going to meddle in your… life? I'm going. Bye." Humalik ako sa pisngi nilang dalawa at lumabas na sa room.
To: Axton
May meeting daw ang art club after lunch sa school park.
Vacant time nga pala niya mamaya. Buti pa siya. E, ako may major subject na kailangang attend-an after lunch. Parang ang sarap mag-architecture. Charot lang. Mahirap gumawa at mag-isip ng plates 'no.
Maya maya pa ay nag-vibrate ang cellphone ko. At may reply na agad siya.
From: Axton
Okay. Sabay na tayo.
Kumalabog ang puso ko nang mabasa ang reply niya. Sabay daw kami. Easy lang heart. Hindi naman kayo e. Walang meaning sa kaniya 'yan. Baka nga ipagtabuyan ka pa niyan e. Saka ang sabi sabi dito sa school, may nililigawan daw 'yan!
Nakinig lang ako sa mga sinasabi ng prof at minsan ay nagre-recite. Kailangan 'yan para may extra points. Kailangan mo talagang maghapit, makapasa ka lang. This is the college life. Nagsisimula na ang kalbaryo pagkatapak mo ng first year college.
After ng third subject ko,hinintay ko nalang sina Clea na bumaba para sabay sabay na kami. Nang mamataan sila ay naglakad na ako papunta sa kanila. Nakasimangot parin si Leanne, si Clea naman ay parang may ngiting tinatago.
"Anong mukha 'yan, Lea?" Tiningnan niya ako at mas lalo sumimangot sabay yakap sa akin. "What happened?" Nagkibit balikat naman si Clea na parang ayaw magsalita.
"Nakakainis si Iro!" Inis na sabi niya habang nakayakap parin sa akin.
"Who's… Iro?" Tanong ko sa kaniya.
"Yisroel." Tanging sambit niya at umayos ng tayo. Nakita ko si Yisroel at Raven na naglalakad papunta sa gawi namin. Kumaway ang dalawa sa akin habang nakangiti.
"Hi, Julia! Nasaan si Axton?" Kumunot ang noo ko at gulat nang ma-realize ang ibig nilang sabihin.
"I-I don't know." Kinakabahang sagot ko.
"Oh…" nakangising sambit ni Raven. Tumingin ako kay Clea na nanahimik at namumula ang pisngi habang nakakagat sa ibabang labi. Napapunta rin ang tingin ni Raven sa kaniya.
"Anong nangyari sayo, Leanne?" Takang tanong ni Yisroel kay Leanne na halatang nang-iinis.
"Tigilan mo 'ko, sasapakin kita!" Inis nitong sigaw. Tumawa lang si Yisroel at nailing.
"I-kiss mo nalang kasi ako. Ako na bahala sa lahat." Kumindat pa ito kay Leanne na agad inirapan ni Leanne. Kumunot ang noo ko sa nangyayari.
At nang ma-realize, nanahimik nalang at mamaya na sila aasarin. It's my turn. It's payback time! Ako naman ang gaganti.
"Tara na nga! Ang papangit ng mga tao dito!" Inis akong hinatak ni Leanne. Imbes na mapikon o magalit sina Yisroel at Raven ay tumawa pa ang mga 'to. Kasi hindi naman totoo.
"Ikaw,anong nangyari sayo?" Tanong ko kay Clea. Pero ngumiti lang siya at umiling.
"Ang creepy ng hinihinging pabor ng mokong na 'yon. Kainis!" Bulong ni Leanne habang nagpupuyos sa galit.
"Why? What—"
"Gusto niyang makipag-date sa akin kapalit ng pangalan ko sa research paper!" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko,nagsalita na si Leanne.
"Sabi niya Kiss?" Clea interrupted the scene.
"Gago siya kamo!" Inis na sigaw ni Leanne at naglakad na papunta sa canteen.
Nasalubong pa namin sina Axton, Cyrus at Yadiel na papunta rin siguro sa taas para sunduin yung dalawa.
Umorder na kami at naghanap ng table. Galit na kumakain si Leanne at nagkukuwento naman sa akin si Clea ng kung ano ano. Saka ikinukuwento na rin niya ang magaganap next week.
"Nga pala, nag-meeting na ba kayo ng mga kamember niyo sa club?" Tanong ko kay Clea. Kamember ko nga pala si Leanne.
"Yeah. Kaninang umaga. Pero meron ulit mamayang hapon." Nagkibit balikat siya na akala mo walang pakialam sa mangyayari.
"Hoy babaeng galit sa mundo!" Pagtawag ko kay Leanne. Masama niya akong tiningnan kaya natawa ako sa hitsura niya.
"What?!" Galit niyang tanong.
"Easy. Hindi ako ang kaaway mo." Natawa ako habang umiiling. "May meeting after lunch. Art club." Tumango lang siya at sumimsim sa juice niya.
Pinagpatuloy ko ang pagkain at binuksan ang mineral water ko saka ako uminom. Saka ko lang na-realize na wala pala akong biniling mineral water. Kanino galing 'to? Tiningnan ko ang bote ay may nakitang sticky notes sa bantang ibaba ng bote.
‘Drink.
-A’
'Yan lang ang nakalagay. At alam ko na agad kung kano galing. Sticky notes, huh? Luminga ako sa paligid para hanapin siya. And I saw him with his friends. I caught him looking intently at me, when he saw me looking at him, too, he avoided my gaze. I smiled at that.
Hindi ko na pinansin 'yon at nakipagkuwentuhan nalang kay Clea na mukhang sobrang saya ng araw. Habang ang isa naming kaibigan ay parang binagsakan ng semento sa construction site at galit na galit.
"I have to go. Bye, sis!" Humalik siya sa pisngi naming dalawa ni Leanne. Si Leanne naman ay busy sa cellphone at hindi na iniintindi ang nasa paligid.
Gulat akong napalingon nang may biglang umupo sa tabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay nang makitang gulat akong nakatingin sa kaniya. Ang sungit talaga!
"We need to go to the meeting. Let's go." Aya niya at tumayo. Ano 'yon? Uupo tas tatayo ulit?
"Tara na, Leanne." Pagyaya ko kay Leanne.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumisi. "Akala ko meeting ang pupuntahan? Bakit parang nagpaplano na kayo ng date? Ayoko maging third wheel." Umirap pa siya ng pabiro.
"Ano ka ba Leanne! Meeting sa art club ang pupuntahan natin!" Nakangusong sambit ko.
"Okay, fine. Lovers." Bulong niya sa huling salita. Parang ewan lang.
Magkasabay kaming naglakad ni Leanne habang si Axton ay nasa likod, malapit sa gilid ko. Napapatingin si Leanne sa kaniya at sa akin tapos ngingisi ng mapang-asar kaya pinanlalakihan ko siya ng mata.
"So… what's the real score?" Bulong sa akin ni Leanne, napatingin ako kay Axton dahil baka naririnig niya ang usapan namin. Pero parang wala naman siyang pakialam kaga binalik ko ang tingin kay Leanne.
"Nothing. We're just…"
"Just?" Naghihintay at umaasang tanong niya.
"A Close… friend. Close lang kami. Gano'n." Nahihiyang sambit ko at umiwas ng tingin.
"Ouch! Just… close friends. Ang saklap naman ng love life ng kaibigan ko. Hanggang kaibigan lang talaga sila." Sabay tawa niya ng napakalakas kaya napatingin si Axton sa amin at tumaas ang kilay. I gave him an awkward smile.
"Please. Leanne, stop laughing. Walang nakakatawa." Saway ko sa kaniya kaya tumigil naman siya.
Nakarating na kami sa school park at hinanap ang mga kamember namin. Medyo maraming estudyante rito dahil karamihan dito tumatambay kapag walang klase. Lalo na ngayong tanghali.
Habang papalapit kami sa mga kamember namin ay napapalingon ang mga babae sa gawi namin. Siyempre ang lakas ng dating ng kasama namin, e. He's so freaking attractive. Anywhere, anytime, and any age. Ang dami ko namang kaagaw.
Nasa gazebo sila na medyo malayo sa ibang estudyante na nagpapahinga sa park. Nasa sahig lang sila kaya umupo na kami ni Leanne. May katabi akong isang lalaki sa kanan, ka-member namin at nasa 3rd year na siguro,at sa kaliwa ko naman si Leanne. Ang nasa gitna ay ang mga papel na listahan ng material at ng gagawin sa booth.
Nagulat ako nang umupo si Axton sa gilid ko. Sa kanan. Pero ang isa niyang binti ay nakapagitan sa akin at doon sa lalaki na katabi ko. Dahil wala nang space, binti nalang niya ang nagkasya. At ang isa niyang binti ay nasa likod ko, nakatiklop 'yon at para lang siyang nasa bahay o nasa kuwarto niya na nakaupo. Bale, sa akin siya nakaharap ngayon dahil sa posisyon niya. We're so close to each other's body.
Impit na napatili si Leanne sa nangyayari. I bit my lower lip to hide my smile and focus my eyes in front. In my peripheral vision, I saw him looking at me — not minding the President in front of us. I cleared my throat and focus. What's with this man? Ano bang nangyayari sa kaniya? Bigla bigla nalang siyang gaganito. Nakakainis na nakakakilig. Hindi ba niya alam ang epekto niya sa akin? Halos sasabog na ang dibdib ko sa kaba.
"Pwede naman kayong hindi tumulong for the preparation, but we will need you next week, to build our booth. Well, we're just almost 30 members, so mag-aasign nalang pala ako ng mga gagawa sa ganito o sa ganyan. Para fair ang lahat at walang lamangan." Paliwanag ng President. Yung iba ay hindi ko na nasundan dahil busy na ako sa pakikiramdam kay Axton.
"Kung saan ka, doon ako." Bigla niyang sambit. Napalingon ako sa kaniya. Hindi siya nakatingin sa akin kaya kumunot ang noo ko.
"What?"
"Kung saan ka ia-assign, doon din ako. Babantayan kita." Saad niya kaya tumango nalang ako.
Magkaiba kami ng gagawin ni Leanne. Siya sa gagawa ng booth, ako naman ay sa bibili at gagawa ng calligraphies. Kasama siyempre si Axton.
"Okay, for the materials, I will assign sa mga bibili. President, Vice, Secretary, Treasurer, Mark, Kian and Julia. Bukas tayo bibili, so aasahan ko kayo bukas. Ite-text ko nalang kung saan ang meeting place." Sambit ng President namin kaya tumango ako.
"Sasama ako." Napatingin ako kay Axton dahil sa sinabi niya pero sa akin siya nakatingin.
"Ano 'yon, Axton?" Kinakabahang tanong ng President. He lazily looked at her.
"Sasama ako kung nasaan si Julia." What?! Sasama daw siya? At… tinawag niya ako sa pangalan ko. Ang sarap sa ears. I stifle my smile and looked down at my papers. Napatili na talaga si Leanne sa sinabi ni Axton.
"Ikaw na girl." Bulong pa niya. Na inilingan ko nalang.
"S-sige. Sabi mo, e." Nauutal na sang-ayon ng President namin na parang natatakot makipagtalo. Siyempre sino bang hindi matatakot? Tumingin ka lang sa mata niyan,matatakot ka na. His intimidating and brooding eyes can give you a goosebumps.
Nag-usap usap pa kami tungkol sa dapat na gagawin sa booths at sa ibebenta ng club namin. Nagbigay rin sila ng kani-kanilang opinyon sa gagawing booth. Nagtalo talo pa sila, nakisali pa si Leanne sa usapan. Habang ako at si Axton ay tahimik lang na nakikiramdam sa nangyayari.
Nang matapos ang usapan ay bumalik na kami sa mga room namin dahil may next subject pa kami. Hinatid ako ni Axton sa harapan ng room. Tumingin pa siya sa loob, tinitingnan kung may prof na.
"Salamat sa paghatid." Nakangiting sambit ko.
"Text me if you have a meeting." Sambit niya bago umalis at pumunta sa klase niya. I smiled and went to our room.