Justin's Outlook Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Kinapa ko ito sa gilid ng kama at tiningnan ko sino ang nag text. 'Good morning! Gising ka na? Hintayin mo ako ah. Sudunduen kita ngayon!' Binasa ko ang text na galing pala kay JM. Napakagat ako sa labi ko para mapigilin ang mga ngiti sa aking mukha. Ewan ko pero kahit simpleng text lang iyon ay kinikilig na ako. 'Morning din. Cge, hintayin kita!' Reply ko sa text niya. Hinintay ko pa ng mga ilang sudundo ko mag re reply pa ba siya pero wala na. 'Siguro ay nag aayos na iyon para pumunta sakin ngayon' Kinilig naman ako sa inisip ko. Isipin ko palang na pinaparamdam sa akin ni JM na special ako ay sobra sobra na ang kilig na nadama ko. Bumangon na ako sa kama ko saka kinuha ang aking tuwalya at bumaba na. Naabutan ko

