Justin's POV Umuwi ako sa apartment ng lutang at wala sa sarili. Pakiramdam ko eh masama ang ginawa kong desisyon dahil pinakawalan ko ang nag iisang taong tunay na nag mamahal sa akin. Pag pasok sa aking apartment ay nagulat pa ako ng madatnan kong naka upo sa sala si JP. "Anong ginagawa mo dito?" Walang buhay na tanong ko sa kanya at dumeritso sa kabilang upuan at nag tanggang ng aking sapatos. "Kamusta ang pag uusap niyo?" Tanong din nito sa akin kaya napakunot noo ako. "Ako ang unang nag tanong." Sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin kay JP. "Bakit ganyan ang boses mo? Bakit ang lamig?" Tanong uli niya at lumapit na sa akin. Tumabi siya sa aking upuan at sinimulan nading tanggalin ang kabilang sapatos ko. "Wala. Wala lang ako sa mood!" Sagot ko sa kanya at tinampi ang kanya

