Napakabilis na kumabog ang puso ko habang inaantay ang susunod na gagawin ni Aziel. Habang si Aziel naman ay ilang sandali nanatili na nakatayo sa aking paanan habang pinagmamasdan ako sa ibabaw ng higaan. Malawak na nginitian ko siya saka umayos sa aking pagkakahiga. Itinaas ko pa ang isa sa aking kamay at mapang-akit na niyaya siya para lumapit sa akin. Sandali na nagulat si Aziel sa ginawa ko na iyon ngunit nang makabawi ay mapang-akit na pinadaan niya ng dila ang kanyang labi. Hanggang sa dahan dahan na lumapit siya sa higaan at pumaibabaw sa akin. Mariing nagkatitigan muna kami sa bawat isa. Kitang kita ko pa sa kanyang binibigay na titig ang labis na pagnanasa niya sa akin. Gayun pa man ay sinusubukan niya na kontrolin ito para hindi ako matakot. Malambing na hinaplos ko naman

