Nang tuluyang mamatay ang demonyong si Noir ay biglang sumambulat ang nakakasilaw na itim na liwanag. Nakita pa namin kung paano unti unti na naging pulbos ang buong higanteng katawan nito at humalo sa hangin. Hanggang ang tanging naiwan lang sa higanteng katawan niya ay ang batong lamia na siyang pinagkulungan sa kanya ng unang Suzdal. Sigurado ako na napatay ko na si Noir pero gayun pa man ay wala sa sarili na nilapitan ko ang naiwang lamia na iyon at agarang kinuha ito. Tinitigan ko pang mabuti ang bato at napansin ko ang tila anino na nasa loob nito. Kaya may malakas na kutob ako na bumalik sa loob ng lamia ang walang buhay na katawan ng demonyong si Noir. At kung sakali na makalaya nga ang ibang demonyo mula sa pinagkulungan nilang lamia at gugustuhin nila na buhayin muli si Noir ay

