"Jusko! E-Empress!" Malakas na paghiyaw ni Ester nang makarating siya sa kusina. Nagising kasi siya mula sa nasusunog na amoy na magmumula roon. Nang makarating naman siya, naabutan niya ang nagkalat na mga harina, itlog at kung anu ano roon sa sahig. At ang salarin nito ay walang iba kundi si Empress Maxima. Inosenteng napahawak naman sa kanyang pisngi si Empress Maxima at napaisip ng malalim. "Hmmm Ester... Kanina pa ako nandito pero hindi nagmumukhang keyt itong niluto ko," kunot noong sambit niya at pinakita ang sunog na sunog na laman ng isang lagayan. Labis na napangiwi naman si Aling Ester sa itsura na iyon. Alam niya na sa oras na matikman niya iyon ay mabilis na makakatawid siya sa kabilang buhay. "P-Pasensiya na po, A-Aling Ester!" nahihiyang paumanhin ni Milla sa nagawang pa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


