Bigla na lamang ako napatayo sa aking kinauupuan nang makita ang paghandusay ng katawan ni Sir Lenox sa tapat ng pintuan. "S-Sir L-Lenox!" natatarantang hiyaw ko pa sa aking nasaksihan at sinubukan na agad lapitan siya. Kaso nga lang ay natigilan ako sa aking balak gawin dahil sa hindi pa rin binibitawan ni Sir Aziel ang kanang kamay ko. Sinubukan ko naman na kalasin ang kamay niya ngunit lalo lang niya hinigpitan ang hawak dito at hinila pa ako palapit muli sa kanya. Alam ko na nagagalit siya dahil naudlot ang anumang sasabihin niya kanina. Gayun pa man ay importante na mailigtas ko ang buhay ni Sir Lenox kahit ganoon kaasar ngayon si Sir Aziel sa nangyari. "Sir Aziel naman... Pwede ba pakibitawan muna ang kamay ko?" suway ko sa kanyang ginagawa at pilit na inagaw muli ang aking kan

