Natigilan sina Sir Girard, Sir Lennox at Sir Gene sa kanilang pag-uusap usap nang may marinig silang mga malalakas na pagaspas sa kanilang itaas. "Hehehehekkk!" "Gigigigik!" "Fufufufufu!" "...!" Kasunod nito ang pag-alingawngaw pa ng mga nakakatakot at kakaibang ingay na maihahambing sa tunog ng ilang mga halimaw na nakalaban nila nitong nakaraan. Dahil doon ay agarang mga napatingala silang lahat para alamin ang anuman na pinagmumulan ng ingay na iyon. Iyon nga lang ay bahagyang napapikit sila nang masilaw sa matinding sinag ng araw. Gayun pa man ay may naaninag sila na tila mga itim na pigura na siyang lumilipad sa ere. Hindi nga lang nila matukoy kung ano ba ang mga ito. "Hehehehekkk!" Hanggang sa bigla na lamang sunud sunod na napamura si Sir Lennox. "Nalintikan na! Bakit nga

