Gael's POV Nag leave ako for one week sa kumpanya ni Hera. Pero bago pa man ako hindi pumasok ay may kakaiba na akong nararamdaman. May isang tao na laging nag bibigay ng bulaklak na may kasamang card may number ito at pangalan, binasa ko ang pangalan at nakalagay duon ay Axel andrius Vilanueva pamilyar saakin ang pangalan. Isa ito sa nag rerequest ng meeting kay hera ngunit hindi ko tinatanggap dahil wala itong maipakita na proposal, kaya inisip ko na agad na may gusto lang ito kay Hera. Sa una ay hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin alam kong napaka ganda ni Hera at madaming nahuhumaling dito nasanay na ako na madaming nag bibigay sakaniya. Pero kahit kailan hindi ko hahayaang lumapit sila kay hera, She's mine. Isang beses ay lumabas ako para bumili ng lunch namin, pabalik na ako ng

