Gael's POV Nag text saakin si hera kagabi na hindi daw siya makakapasok ngayong araw. Walang buhay akong pumasok sa kumpanya nya. Naging abala ang araw ko ngayon ako ang humarap sa iba niyang ka meetings napangiwi pa ako dahil isa sa mga nakausap ko ay isang member ng board ng northon empire, nag tataka siya na ang ceo ng northon empire ay secretary ng hera essentials. Hindi ko kasi tanda ang pangalan niya ang tanging natatandaan ko lang ay ang mukha ng boardmembers ang iba naman ay kilala ko pero siya ay naalala ko lang sa mukha siguro dahil hindi ko ito nabigyan pansin nuon. Tinapos ko ng maaga ang trabaho ko 12 pm palang ay handa na akong umalis ng kumapanya. Napag disisyunan ko nalang na bisitahin si hera sa mansion nila wala akong pakealam kay alex kung nandoon siya gusto kong makit

