EPISODE 55 LAST TALK PHOEBE’S POINT OF VIEW. “IKAKASAL na ang kapatid ko kay Lana, Phoebe. Hindi niya ba sinabi ‘yun sayo? I thought he already talk to you about that.” Ikakasal na si Alexis? Bakit parang ang bilis naman. Ganun na lang ba talaga kabilis ang lahat? Ginagawa niya ba ito dahil tinutulak ko siya palayo sa akin. At akala niya ay nakahanap na ako ng iba at si Shawn ito? He’s so unfair. “Ate Phoebe, nakausap mo na ba si Ate Alessandra? Ano, okay na ba? Nagkaayos na ba kayong dalawa? Payag na ba sila sa relasyon niyo ni Alexis?” sunod-sunod na tanong ni Ellie sa akin nang makapasok ako sa loob ng aming apartment. Tahimik lang ako ngayon habang papasok ako at hina na umupo sa couch bago tumingin kay Ellie. Kumunot ang kanyang noo at umupo siya sa aking tabi habang nakaharap

