EPISODE 63 FORCED PT. 1 PHOEBE’S POINT OF VIEW. “KAILANGAN kong puntahan ang mga Coleman sa ospital, Shawn! Baka kung ano na ang nangyari kay Alexis. Baka natamaan din siya ng bala sa nangyaring kaguluhan!” aligaga kong sabi. Akmang aalis na ako ng mahawakan ni Shawn ang aking braso kaya hindi ako makatuloy sa aking pag-alis. Humarap ako kay Shawn habang nakakunot ang aking noo. Tinaasan ko siya ng aking kilay at inalis ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso at bahagya rin akong lumayo sa kanya. “What now, Shawn? Pipigilan mo ako sa aking gagawin?” “Yes, Phoebe,” mabilisan niyang sagot sa tanong ko. Mas lalo akong naguluhan sa naging sagot ni Shawn. Bago ako muling makapagsalita ay humakbang siya palapit sa akin at tinignan niya ako ng seryoso sa aking mga mata at nagsal

