Ang sabi kasi sa kanya ni tita Juls nang araw na bumalik siya ay sabik na sabik na nga raw si Jessa sa pag uwi niya. lipas na raw ang pagtatampo ng dalaga dahil sa nangyari noong gabing maghapunan sila kina Lola Carmina. Ayon pa kay tita Juls na narinig niya raw ang usapan ni Jessa at Bridget na ipagpapatuloy ni Jessa ang panliligaw sa kanya pagbalik niya, pero parang iba ang nangyari sa lagay na to. Umaasa pa man din si Luke na sa pagkikita nila muli ng dalaga ay maaamin na niya ang bagong tuklas niyang damdamin para sa dalaga. Gusto niyang sabihin dito na hindi na nito kailangan pa na ligawan siya, dahil siya na mismo ang manliligaw kay Jessa. pero nang dahil lang sa impaktang babaeng yon na si Nikka masisira pa ata ang plano niya na sabihin sa dalaga na mahal na niya ito. na ipagpapat

