Jess! what movie are we watching? pahabol na tanong ni Luke Kay Jessa. siya na kasi ang pumila sa ticket booth.
Yong rom-com syempre! Duh! as if nanonood tayo ng action film. tugon ni Jessa na pinaikot ang mga mata.
Bakit ako? bakit ako? naiiling niyang sambit habang nakapila.
kung hindi lang natitiyak ni Luke na mas malala ang sasapitin niya kapag nilayasan niya si Jessa at ang mga kaibigan nito, talagang lalayasan niya ang mga ito.
Nakabili na si Luke ng ticket hahakbang na sana siya pasunod kina Jessa sa stall ng mga snacks nang maramdaman niyang may nakatitig sa kanya. napakunot noo siya habang luminga linga sa paligid. Hindi nga siya nagkamali dahil sa gawing kaliwa niya ay nakatayo at nakatitig sa kanya ang pamilyar na mukha ng isang dalaga.
Hello, Luke! nakangiting bati ni Nikka sa kanya with matching kaway pa.
Nikka! nagulat na sambit ni Luke. agad siyang lumapit sa dating nobya na mahigit limang taon na din hindi nakikita. lumipat sa Davao City si Nikka at ang tiyahin nito na nag iisang pamilya ni Nikka. tagaroon daw kasi sa Davao city ang ilang kamag anak ng dalaga. dating kasambahay nina Jessa ang tiyahin ni Nikka.
Pero bago pa umalis ng Quezon city sina Nikka ay matagal na din silang hiwalay ng dalaga. Hindi man naging masama ang paghihiwalay nila bilang magkasintahan dahil pareho silang hindi ganoon kaseryoso sa isa't isa nang maging sila. parang they were both just having fun with each other.
Akala ko hindi mo na ako matatandaan, wika ni Nikka sa kanya.
Imposible yon, how are you? Dito ka na ba ulit sa QC nakatira? Tanong ni Luke.
Oo eh, umuupa ako ng apartment malapit sa University. malapit kasi doon ang trabaho ko. Ikaw? saan ka?
Tuwing weekend kapag may Oras umuuwi ako kay Lola kapag wala akong trabaho.
Tila may sasabihin pa si Nikka ng biglang tumalim ang tingin nito at nabura ang ngiti sa mga labi ng mapasulyap sa likuran niya. Hindi na niya kailangan pang hulaan kung sino ang nasa likod niya para malaman kasi alam na alam niya na si Jessa ang nasa kanyang likuran.
Tiyahin kasi ni Nikka ang dating kasambahay nina Jessa. pero hindi naman kina Jessa nakatira ang tiyahin ni Nikka. umuuwi ang matanda pagsapit ng gabi. Minsan bumibisita si Nikka sa kanyang tiyahin kina Jessa kaya Sila nagkakilala.
Mula't sapol ay laging magkaaway sina Jessa at Nikka, ay mali pala. mas tamang sabihing laging inaaway at nabibiktima ng kapilyahan ni Jessa si Nikka noon. not because of him, kasi bago pa sila maging mag kasintahan ni Nikka noon ay mainit na talaga ang dugo ni Jessa Kay Nikka at mas lumala iyon nang maging nobya ku na si Nikka at mapadalas ang pagpasyal nito sa bahay nila. Ang tawag pa nga ni Jessa sa dalaga ay Nikka nikakamot ng lahat.
Kaya nga nagtataka si Luke kung bakit inaaway ni Jessa ang nobya niya kasi hindi naman talaga sobrang palaaway ni Jessa, minsan lang talaga lumalabas ang pagkapilya kaya kawawa kawawa talaga ang mapagtripan nito at ng kanyang mga kaibigan. Minsan nga naiisip niya na baka nagseselos si Jessa Kay Nikka kasi kasintahan niya ito.
Si Jessa kasi ay pinalaki na hindi matapobre kaya nga kadalasan sa mga kalaro nitong mga bata ay nasa slum area sa pinapasukan nitong paaralan noong nag aaral pa ito sa elementary. madalas pa isinasama ni Nikka pauwi ang mga batang kaibigan. binibigyan pa ni Jessa ng mga laruan ang mga ito at pinipilit na kumain sa kanila bago magsiuwi ang kanyang mga kaibigan sa kani-kanilang bahay.
Siguro hindi lang talaga gusto ni Jessa si Nikka kasi parehong may lahing pasaway ang dalawa kapag nagagalit. pero kadalasan ay masayang kasama si Nikka , kapag hindi ito ang sentro ng atensyon ng lahat, biglang lumalabas ang sungay nito.
Nilingon ni Luke si Jessa, ikinawit naman ng dalaga ang kamay sa braso niya at idinikit ang katawan sa kanyang tagiliran. pero mula sa gilid ng mga mata ni Jessa ay puno ng curiosity na sinisipat nito si Nikka. tila hindi agad namukhaan ni Jessa si Nikka.
Hey Luke! nakabili ka na ba ng. natigilan si Jessa at nanlaki ang mga mata nang sa wakas ay makilala si Nikka. itinuro oa ni Jessa si Nikka na para bang wala sa harap nito.
Hey! that's Nikka kakamot ng.
maagap na natakman ni Luke ang bibig ni Jessa bago pa mabigkas nito ang karugtong ng palayaw nito kay nikka. but judging from Nikka's face expression he was too late.
Yeah, Jessa. tumango siya, tsaka inakbayan si Jessa upang mabilis niya itong mapigilan kung sakaling maisipan nitong sabihin ulit kay nikka ang palayaw nito.
Sa pagkakatanda ni Luke ay naging bayolente ang tagpong iyon. at kung hindi siya nagkakamali ay parehong nalagasan ng buhok Ang dalawa, dahil sa matinding sabunotang naganap sa eksenang iyon.
Hindi nga siya makapaniwala dahil mas bata si Jessa kaysa kay Nikka ay nagawa pa ring patulan ni Nikka si Jessa. after he saw the bruises of Jessa's face, at ang gulo gulong buhok nito. nasigawan niya si Nikka. iyon ata ang una at huling gusto niya manampal ng babae.
Kahit anong pilya at kulit, o sama pa kasi ni Jessa noon, sa edad nitong sixteen ay matatawag pa rin itong bata kumpara sa edad ni Nikka na twenty two. Hindi niya dapat pinatulan si Jessa.
Nang mahimasmasan ay humingi ng tawad si Nikka Kay Jessa. iyon nga lang, hindi tinanggap ni Jessa ang paghingi nito ng tawad. muntik pang umabot sa demadahan ang lahat dahil nang nalaman ni Tito Jojo ang nangyari at sinapit ni Jessa ay nanggagalaiti si Tito sa Galit.
But Nikka was never welcomed sa mga bahay nila. at hindi nga nagtagal ay nag resign ang tiyahin ni Nikka kina Tito Jojo. pagkatapos ay tuluyan ng umalis si nikka at ang kanyang tiyahin sa QC.
At sa nakikita niyang kislap ng mga mata ni Jessa ay nahulaan niya kaagad na ang eksenang yon ang naaalala ng dalaga. Hindi naman ang tipo ng dalaga ang nagtatanim ng Galit. mabilis lang lumipas ang tampo at galit nito ay kusa itong humihingi ng tawad sa naging kaaway nito.
Minsan lang din talaga na nasasagad ang pasensya ni Jessa. at ako lang din ang gusto niyang pikunin at galitin. Masayahin at palabiro ang dalaga. at kung ano man yong nangyari sa kanila ni Nikka noon ay isa lang ang sigurado Ako, Hindi niya iyon nakalimutan. at parang nanganganib si Nikka kung paano sya tingnan ni Jessa.
Jessa, hello! alanganin ang ngiting bati ni Nikka sa dalaga.
Hi. tipid na sagot ni Jessa Kay Nikka.
Nakabili ka na ba ng tickets?
Oo. then let's go. Hindi pa namin binayaran ang mga snacks na binili namin, pagyaya ni Jessa sa kanya saka ikinawit ang isang braso sa baywang niya at hinila na siya palayo kay Nikka.
Jessa, wait. untag ni luke sa kanya, saka nilingon si Nikka upang magpaalam ng maayos. "it was nice seeing you again, Nikka". mauna na kami.
Nakangiting tumango naman sa kanya si Nikka. Bye Jessa paalam ni nikka.
Yeah! Ani ni Jessa na hindi man lang lumilingon.
That was rude, you know! malambing na sabi ni luke Kay Jessa habang lumalakad sila patungo snacks stall.
Hindi sumagot si Jessa. napabuntong hininga napapalatak nalang siya.
Pagdating niya sa snack stall ay binayaran niya ang tatlong cheese flavored popcorn bucket, hotdogs, sandwich at bottled water. sa lahat ng iyon ay bottled water lang sa kanya, dahil hindi naman siya mahilig kumain ng mga ganyang pagkain. at dahil hindi pa naman nag uumpisa ang papanoorin nila kaya naupo muna sila sa benches.
Hindi ka man lang nagtanong kung ano ang pinag awayan namin ng araw na iyon, Luke.
Napalingon siya sa dalaga, sa totoo lang ayaw na niya pag interesan pa ang away nilang iyon ni Nikka at Jessa. nang tumanggi si Jessa na Sabihin sa kanya ang dahilan ay nawalan na din sya ng interes na malaman pa iyon. at kung ano man ang dahilan noon kay Jessa siya kumampi.
Bakit nga ba kayo nag away noon? Tanong ni Luke Kay Jessa.
Kasi narinig ko kay Nikka na sinasabi niya sa matandang iyon na pipikotin ka niya. magpapanggap siyang nabuntis mo para balikan mo siya at pakasalan.
What? bulalas ni Luke na hindi makapaniwala sa narinig.
Still think kung bakit ang rude ku Kay Nikka kanina nakataas ang kilay na untag niya sa binata. Hindi Ako nagsisinungaling na ako ang unang sumugod kay Nikka noon, hindi ku lang kasi mapigilan, at hanggang ngayon ay ayoko pa din sa evil witch creature na yon. mariing sabi ni Jessa.
Ikinawit ni Luke ang kamay sa leeg ng dalaga at masuyong kinintalan ng halik ang noo nito. "THANK YOU"
Ha? tila biglang natulirong napatitig sa kanya ang dalaga. sa tabi naman nito ay nakabungisngis ang mga kaibigan nito.
Para sa pagligtsa sa akin ng araw na iyon. sabi ni Luke Kay Jessa.
Minsang sinusulyapan ni Jessa si Luke habang papalabas sila sa sinehan. nauuna sa kanila ang kanyang mga kaibigan na kinikilig na pinag usapan ang napanood kanina. Hindi na siya nag abala pang tanongin si Luke tungkol sa opinion nito sa pinanood nila. napasandal pa nga sa balikat niya ang ulo nito sa buong oras ng pelikuka at nagising lang ng yugyugin niya ito sa balikat.
Hindi niya naman ito masisisi, since it was romantic comedy at hindi naman gusto ng binata ang ganong palabas. pinagbugyan lang talaga siya nito kaya sobra niyang na appreciate si Luke.
Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit niya ito sinusulyapan habang natutulog sa balikat niya. kundi ang nangyari bago sila manood ng sine.
Mariing pinaglapat ni Jessa ang mga labi habang nakasulyap kay Luke. nagtagumpay si Nikka noon na makuha si Luke. at ngayong nagbalik na si Nikka ay nakita niya sa paraan ng pagtitig nito sa binata na may gusto oa rin ito kay Luke.
Subalit walang balak si Jessa na ipaubaya ulit si Luke kay Nikka o sa kahit sino pa na mga babae. napakahaba na ng panahong hinintay niya para kay Luke, at sa ngayon ay hindi na sagabal ang edad niya para makuha ang binata. Luke was hers, kahit anong mangyari ay hindi siya makakapayag na hindi mapapasakanya ang lalaking mula pa noon ay minahal niya.
Bakit? nagtatakang tanong sa kanya ng binata sa kanya ng mahuli siya nitong nakatingin.
Humigpit ang pagkakahawak ni Jessa sa kamay nito na para bang anumang oras ay may aagaw sa binata mula sa kanya. matamis ang ngiting lalo pa siyang lumapit kay Luke.
What? kinakabahan ako diyan sa ngiti mo, sabi ng binata ng medyo napapailing nalang sa inaakto ni Jessa.
Ang handsome mo pala talaga, Luke, pahayag ni Jessa.
at voila! hahahahaha namula ang mukha ng binata na parang kinikilig. kaya naman hindi niya napigilan ang mapahalakhak at wala siyang pakialam kung iisipin ng ibang tao na nababaliw na siya. pakialam niyo ba, masaya Ako eh!
Hoyy, nilalanggam na kami Dito, puna ng mga kaibigan ni Jessa sa kanila. at puwedi ba umalis kayo sa daraanan ng mga tao kung ayaw niyo na maitulak kayo pababa ng hagdan, sambit ni Bridget sa kanilang dalawa.
Halika na, babe. let's go home, malambing na sabi ni Jessa Kay Luke. Hindi niya binitawan ang braso ng binata kahit pasimpleng kinakalaa nito iyon. Mas gusto niyang makita ng mga kadalagahan na sa kanya lang ang binata at walang kahit na sino ang puwedi umagaw dito. sasalo muna sila ng bala bago nila makuha ang binata sa kanya.
Malakas na napamura si Luke nang masilaw sa sinag ng araw na tumagos sa kanyang silid nang hawiin ang mga kurtina. itinakip niya ang unan sa kanyang ulo, kahapon kasi ay nagkitakita sila ng mga kaibigan niya at mga dating kaklase sa highschool sa bahay ng kanyang kaibigan. naging highschool reunion bigla ang kanilang pagkikita.
Magdamag siyang nakipag inuman sa mga kaibigan at dating mga kaklase. kaya ay pakiramdam niya ay may sumuntok sa ulo Niya, sobrang sakit. hayop na hangover.