Hindi makabasag pinggan si Jessa, she was tough and resilient too, she would have to, otherwise she would be dead by now. Tila kasi hindi nauunawaan ni Jessa Ang salitang "Dangerous, Be careful, and slowly"
Subalit ngayon, sa nakikita niyang kasiglahan sa medyo maputla pa ring mukha ni Jessa. tuluyan nang nabura lahat ng pangamba niya.
I'm mad at you! sabi ni Jessa hustong nakalapit siya. Nagpipigil siyang mapangiti, bakit galit ka sa akin? kunyari seryusong tanong niya.
Ang kwento Kasi ni Tito Jojo sa kanya ay ang unang sinabi daw ni Jessa ay galit ito sa kanya, Not because he hit here with his big bike, but because she saw Nikka riding with him. kaya naman bumili muna siya ng pang alo sa dalaga.
Nakita ko si Nikka na nakaangkas sa bike mo bago mo ako sinagasaan! You let her ride your bike first! nangako ka sa akin na ako ang una mong isasakay sa bike mo! I even help you para payagan ka ni Lola Carmina na bilhin ang bike na iyon. Nakasimangot na sabi ng dalagita.
Luke grinned at the cute and adorable picture she made sitting there in the middle of her bed with her pouting lips.
Oh, c'mon Jessa, you know it doesn't count. Hanggang sa gate ko lang naman siya iaangkas. Pero ikaw, iaangkas kita hanggang sa school mo para makita ng mga classmates mo na nakasakay ka na sa motorsiklo, iyon ang deal natin diba?
Basta I'm mad at you! umismid na sabi nito. Nagkatonginan silang tatlo ni tita Susan at tita Juls na nakangiti.
Ibig ba sabihin nito, Hindi mo tatanggapin ang mga regalo ko para sayo? inilabas niya sa paperbag ang naglalaman ng Disney stuffed toy na unggoy ni Alladin na si Abu. Hanggang ngayon kasi ay adik pa rin ito sa Disney movies, pero hindi niya gusto ang Disney na mga bida.
Uhm, well okay, I forgive you! biglang sabi nito na nagniningning ang mga mata na nakatitig sa mga regalo. Napahalakhak bigla si Luke at lumapit siya dito at kinintalan ng halik sa noo ang dalagita. You pretty brat! Luke fondly exclaimed.
Eight years later.
Nakasukbit sa isang balikat ni Luke ang itim na duffle bag habang ang isa pang kamay ay may hawak na bote ng malamig na tubig. Pero pareho niyang nabitawan ang mga dala niya ng mabilis siyang lumundag upang maiwasang mahagip ng biglang sumulpot na yellow car mula sa gawing kanan niya. Malakas na napamura siya at nag martsa patungo sa driver's side ng sasakyan.
Hey! bulag ka ba? muntik ka ng makasagasa! wala ka sa race track! sigaw niya. Naudlot ang galit niya sana sa driver ng kotse. Dagling naglaho ang galit ni Luke ng makilala ang driver, dahil napalitan ng gulat ang galit niya.
She was still the reckless old Jessa herself!
Dammit, Jessa! I should've known it was you! wala namang ibang magtatangka sa buhay ko kundi ikaw! singhal niya sa dalaga na gulat din na nakatitig sa kanya.
Mababakas sa mukha ng dalaga na hindi agad siya namukhaan, bagay na lalong nagpagalit sa binata, kung siya isang sulyap lang sa mukha ng dalaga ay kilala na niya agad ito, pero bakit siya hindi agad nakilala ng dalaga. two and half years pa lang naman mula ng huli silang nagkita.
Ganoon ba karaming lalaki ang nakadaupang palad nito sa states para makalimutan agad siya?
Ang itim nitong buhok ay humaba pa lalo. kung dati ay hanggang balikat lang nito, Ngayon abot na ito hanggang baywang. Kapansin pansin din ang ibang features ng mukha ni Jessa na halos lahat ay minana nito sa Ina. mga kulay kapeng mata lang ang namana niya sa kanyang Ama. Sigurado siya walang make up ang dalaga pero napakakinis ng kutis nito. perpekto din ang hugis ng mga kilay nito. makinis na pisngi at mapupulang labi.
Bakit may dugo ang labi mo? Tanong niya sa dalaga. nakagat ko nang mag preno ako! Bakit bigla bigla ka kasing tumatawid?! akala ko tuloy nakasagasa na Ako! asik nito na marahas hinubad ang suot nitong shade at inihagis sa passenger seat.
Napataas kilay si Luke, bigla Kasi niyang naalala nong unang beses na nakakilala Sila ni Jessa. 20 years old sya ng panahon na iyon 12 years old Naman si Jessa. Parang ganito din Ang eksena, muntik na siyang masagasaan ng bike ni Jessa pero ito pa ang may ganang magalit sa kanya.
One month after noon mula nang lumipat sila Jessa sa bahay ng katapat lang ng bahay nila. Pero dahil nasa states siya para sa taunang pagbisita sa ama, nang araw lang na iyon nakilala niya si Jessa. Dahil maliit lang na bata ang dalaga, Akala niya ay 8 years old lang siya noon. naaliw pa nga siya dahil hindi bagay sa liit nito. para itong talking doll.
Si Lola Carmina ang nagsabi sa kanya na hiwalay na din pala ang magulang ni Jessa. nasa States daw ang Ina nito at may ibang asawa. Ibinigay ng Korte Kay Tito Jojo ang custody Kay Jessa nang maghiwalay ang mga magulang ng dalaga. Hindi dahil ayaw ni tita Susan sa dalaga, kundi dahil mas gusto ni Jessa sa kanya ama kaysa sumama sa kanyang Ina.
She was a true daddy's girl.
Pero kahit ganun may inilaan naman na oras si Jessa para sa kanyang Ina para bisitahin niya sa states. kaya Minsan nasa states ang dalaga kasama ang Ina at stepdad nito. Mula't sapol si Jessa na ang bumibisita sa Ina nito. But when Tito Jojo and tita Juls at nagkakamabutihan na ay biglang napasugod si tita Susan sa Pilipinas.
At hinding hindi makakalimutan ni Luke ang araw na pumunta si tita Susan at ang Asawa nito Bahay nina Jessa walong taon na ang nakalipas. That day kung saan nasagasaan niya ang dalaga na tumakbo upang magtago dahil sapilitan siyang gustong isama ng Ina sa states.
Sa huli sumuko nalang si tita Susan sa balak niyang pagkuha sana sa dalaga. Mas pinili kasi ni Jessa na manatili sa piling nang ama. Pero dalawang taon at kalahati, sa seventeenth birthday, Jessa made the shocking decision of moving to the states to be with her mother. Natuklasan kasi ng mga doctor na may tumor sa utak si tita Susan. kaya naisip ng dalaga na panahon na para pagbigyan niya ang hiling ng kanyang ina.
Ang paalam ng dalaga Kay Tito Jojo ay 3 years lang ang dalaga sa states at Ang katapusan ng tatlong taon na iyon ay limang buwan pa mula ngayon pero heto at narito na siya ngayon, at siya pa talaga ang sinesermonan dahil sa muntik ng pagkakasagasa nito sa kanya. More than a years away and still remained the same an irritating spoiled brat!
Dapat kasi tumitingin ka muna sa kalsada bago ka tumawid! kasalanan mo kung muntik na kitang masagasaan, para ka kasing kabute na bigla bigla na lang lumilitaw. kung tingnan siya ng dalaga parang mas gusto nga siyang sagasaan nalang ng tuluyan. What a brat!
Umarko ang kilay ni Luke. Hindi niya inaasahan ang pagtaas ng boses ng dalaga sa kanya. Sa kanilang dalawa kasi ay siya ang mas tumataas ang boses at napupuno ng galit dahil sa nakakapikon na mga maraming kapilyahan nitong madalas ay siya ang biktima.
Nakakunot noong tinitigan niya ang dalaga. noon niya na napansin ang pamumutla nito, pati na ang bahid ng takot sa kulay tsokolateng mga mata. Mukhang natakot talaga ito na muntik na siyang masagasaan. Nakita pa niya ang munting panginginig ng mga kamay nitong nakahawak sa manibela.
Kaya mo pa bang umabot hanggang sa bahay ninyo? Tanong niya sa dalaga.
huminga ito ng malalim bago marahang tumango. iistart na sana niya ang ng muling namatay ang makina dahil sa pagkataranta niya at biglang lumingon ulit Ang dalaga sa kanya. 'Luke okay ka lang ba? Muntik na kitang masagasaan! bukas ng dalaga na tila noon lang tumagis sa isip na siya nga mismo ang muntik ng sagasaan ng kotse nito.
Alam ko and believe me, your concern is flattering I just want to p**e! matabang ang tonong saad niya sa dalaga, kung nagkataon pala nakahandusay na siya at naghihingalo kailangan niya pa palang aluin ito Bago mapansin at asikasuhin. Pabiglang binuksan ni Jessa ang pinto ng sasakyan nito, dahilan para humampas sa kanya ang pinto.
Damn it Jessa! nasaktang sabi ni Luke.
Ohh I'm sorry! Humahangos na bumaba ito ng sasakyan. I'm sorry Hindi ko sinasadya, nagsisising saad ng dalaga na sinipat sipat siya. Kung hindi niya nahawakan ang kamay nito ay baka kung saan na umabot sa paghahanap ng pinsala sa kanya.
Nakaharang ang kotse mo. sige na, umalis ka na. okay lang ako.
Sigurado ka?
oo na sabi!
Okay. Pero gusto mo, ihatid nalang kita sa pupuntahan mo? pambawi ko lang dahil muntik na kitang masagasaan.
nanlaki ang mga mata ni Luke at mariing tumanggi. sabi kasi sa kwento ni tita Susan at Tito Jojo nag iilusyon ang dalaga na sumanib sa kanya si flash kung magmaneho ito. Faster than a speeding bullet at mas malakas pa sa bakal na akala ng dalaga, lahat ng mabubunggo nito ay kayang wasakin nang hindi napapaano. Nagtataka nga siya kung paano ito binigyan ng Driver's license.
No way! alis na, nakakaabala ka na sa akin. Okay, Basta dumaan ka sa bahay namin mamaya ha? marami akong pasalubong sayo. naibigay ko na yong mga pasalubong ko kay Lola Carmina at tita Juls. by the way where is Bridget? sabi ni papa kasama mo siya? Bridget is her cousin na anak ni tita Juls sa pagkadalaga. at step sister na din ni Jessa mula noong ikasal Ang ama nito at ang tita niya pitong taon na ang lumipas.
He snored, why? may reunion ba ang evil step sister's? Ani ni Luke, bansag niya yon sa dalawa. at malas niya lang kasi wala namang Cinderella na maaaring apihin ng dalawa, kaya siya nalang ang piniling biktimahin ng mga ito. Hindi nga siya inaalila ng mga ito pero madalas naman na siya ang target ng mga kapilyahan ng mga ito. Gone where the days when Jessa used to run after him like an adoring puppy. Kaya hindi niya maiwasang magselos noon Kay Bridget dahil sa halip na siya ang best friend nito, si Bridget na tuloy ang naging best friend ng dalaga. at bigla siyang naitsa pwera
Of course! Nakaka miss kayang paiyakin ka, malawak na ngisi ng dalaga.
Iiling iling na tinalikuran niya ang dalaga. itinuloy niya ang naudlot na pagtawid papapunta sa paradahan ng kanyang sasakyan.
Hey Luke! Hindi mo pa aku kinukumsta! ni hindi mo pa nga ako nayayakap! Pero okay lang. I'm pretty sure you're crying inside because you misses me so much. pahabol na sigaw ng dalaga.
Whatever makes you happy, Jessa!
malawak ang ngiting sinundan ng tingin ni Jessa ang humahagibis na sasakyan ni Luke palayo roon. Sigurado siyang wala itong ibang iisipin sa susunod na mga Oras kundi siya at ang mga sinabi niya. Sa dinami-rami ng mga babaeng maghahabol sa binata na karamihan pa ay magaganda at seksi. imposibleng tapunan man lang nito ng sulyap ang isang katulad niya. Kung hindi lang siya kapitbahay at stepsister ng pinsan nito, malamang na hindi man lang ito mag aabalang tandaan ang pangalan niya.
Jessa was curly haired, pale skinned, skinny, and had an almost nonexistent bust measurement. siguradong major turn off sa kanya si Luke na interesado sa mga babaeng hanggang leg ang mga legs, kasintayog ng mount everest ang mga hinaharap, at isang pulgada ang kapal ng make up sa mukha.
At dahil nasisiguro ni Jessa na hindi siya bibigyan ni Luke ng nararapat na pansin kahit malinaw na isinasaad ng kapalaran na ito ang kanyang magiging first, last, and only love. Gumamit na siya ng maraming taktika para mahuli ang mailap nitong mga mata. Hindi siya nagpapaka sweet sa binata tulad ng karamihan sa mga teenage na namamaos sa pagtili sa tuwing makikita nila ang kanilang iniidolo. Hindi niya pinuri ang galing ng binata sa martial arts o sa pagiging summa c*m laude nito ng college.