Kaya ang Makita ang anak na lumuluha ay nagakasakit para sa isang ama, Lalo pa at alam niya kung ano o mas tamang sabihin kung sino ang dahilan ng mga luhang iyon. nakadagdag pa sa bigat ng loob niya na wala siyang kahit na anong maaaring gawin upang maibsan ang sakit na nararamdaman ng kanyang anak.
Ayaw niya sanang paniwalaan noong una na seryoso nga si Jessa sa pagtatapat ng damdamin kay Luke noong huling gabing nagsalo salo sila sa hapunan.
Pero sa kabila ng pagbawi nina Jessa at Bridget sa lahat ng naunang sinabi ng kanyang anak nang gabing iyon, batid niya na totoo ang lahat ng ipinagtapat ng anak niya ng sandaling iyon. kilala niya ang anak niya at nakikita ko sa gabing iyon na totoo lahat ng ipinagtapat nito kay Luke.
He's daughter was inlove, and she just had her heart broken in front of him.
Gusto niya sana bugbugin si Luke ng gabing iyon. at malamang kung hindi lang siya pinigilan ng kanyang asawang si Jill ay nasapak na niya sana si Luke.
The father inside him hated the younger man for hurting his daughter at kahit na alam niya sa Sarili niya na aayawan ni Luke ang pagtatapat ng kanyang anak.
Pero sa kabila ng ganon ang nangyari nagpapasalamat pa din siya dahil hindi sinamantala ng binata ang nararamdaman ng kanyang nag iisang prinsesa.
Nitong mga nakalipas na linggo ay halos hindi na nagpupunta sa bahay nina mama Carmina si Jessa na nakagawian na nitong gawin. Lalo na tuwing umuuwi roon si Luke. kapag hindi sinasadyang makita niya si Luke ay tila gusto siyang kausapin ng binata. pero nagbabago ang isip ni Luke. marahil gusto lang nitong kumustahin ang dalaga sa kanya ngunit nag aalinlangan lang na lapitan siya.
Nag aalala pa rin ata ang binata na baka gusto pa din niya'ng padapuin ang kanyang kamay at paduguin ang ilong nito. dahil sa tuwing nakikita niya ito, naaalala rin niya ang magdamag na pagluha ng kanyang anak na inakala ng anak niya na hindi niya alam.
"Isip bata pa ba talaga Ako, Papa? Hindi po ba ako maganda? mahirap ba talaga akong mahalin? puno ng lungkot na tanong sa kanya ni Jessa.
"Syempre hindi., ani ni Jojo sa kanyang anak habang nakaupo sa tabi ng kanyang anak.
Bakit hindi ako matutuhang mahalin ni Luke, Papa? Mahal na mahal ko po talaga siya. kahit noong nasa states ako, siya pa rin ang naaalala ko. umiiyak na sumubsob si Jessa sa kanyang balikat.
Anak, lagi mo tatandaan na hindi porket mahal mo ang isang tao ay dapat din mahalin ka niya. alam mo naman iyon diba? bata ka pa. sa Ngayon siguro, pakiramdam mo, wala ka nang iba pang mamahalin tulad ng pagmamahal mo kay Luke. pero magugulat ka na lang bukas o sa susunod na buwan, may ibang tao nang higit na mamahalin mo kaysa sa kanya. Ani ni Jojo habang pinupunasan ang mga luha ng kanyang anak.
Isa iyong bagay na alam ni Jojo na kailangan niyang tanggalin balang araw. His baby girl was now turning into a very beautiful young woman. kahit anong pigil niya, darating at darating ang panahong iibig ang kanyang anak, magkakanobyo at magpapakasal. at sa halip na gatungan pa ang bigat na nadarama nito sa unang kabiguan, mas dapat niyang bigyan ng pag asa ang anak na balang araw ay darating din ang lalaking magmamahal dito ng tulad o higit pa sa pagmamahal niya rito.
Sapagkat hindi rin itatanggi ni Jojo na kahit paano ay natutuwa siyang hindi gusto ni Luke si Jessa. sa ganoong sitwasyon kasi ay hindi niya kailangang maging kontrabida sa sariling anak kung sakaling pagbawalan niya itong ituloy ang binabalak na panliligaw kay Luke o ang mas masaklap na pakikipag nobyo. alam niya ang tungkol sa pagpayag ng kanya g dating asawa na makipag date na si Jessa mula noong mag eighteen na ang anak nila. pero dahil wala naman siya sa states para hadlangan at tutulan iyon. wala na siyang nagawa pa. at sa totoo lang, duda rin siya kung may magagawa nga ba siya para hadlangan o tutulan ang pakikipag relasyon ni Jessa ngayong narito na uli ang anak niya sa kanyang poder.
Sapagkat isang iyak lang ni Jessa, wala na siyang mapahindian pa sa mga gusto nito. mabuti nalang at kahit papaano ay hindi abusado ang kanyang anak.
Mahalaga ka rin kay Luke, anak. alam kung hindi niya Rin sinasadyang saktan ka. pero kung hanggang kaibigan lang ang turing niya sa iyo, huwag mo nang ipilit pa ang sarili mo. masasaktan ka lang lalo. sa ngayon, pagtuunan mo na lang muna ng atensyon ang pag aaral. pampalubag loob na sabi niya sa kanyang anak.
Marahang tumango si Jessa. mayamaya pa ay ngumiti na ito. at lalong lumawak ang ngiti ng anak niya nang tumunog ang cellphone nitong nasa tabi nito. tila hindi pa man nababasa ni Jessa kung sino ang tumatawag ay alam na nito kung sino.
Luke has been trying to call me since last Sunday, pero hindi ko tinatanggap ang mga tawag niya. sinabihan ko rin si mama Juls na huwang siyang papasukin dito sa bahay kapag pumunta siya. sa tingin mo kaya papa na realized na kaya ni Luke na mahal niya din pala ako? biglang sumigla si Jessa.
Mulagat na napamaang naman si Jojo. mukhang hindi sila nagkakaintindihan ng kanyang anak. o kung naiintindihan man siya nito ay mas pinipili pa rin nitong isantabi ang mga sinabi niya.
Anak naririnig mo ba ang sinasabi ko kanina?
Yes Papa at narinig ko rin ang lahat ng sinabi mo noon sa akin. iyong kapag may Isang bagay ako na gustong makuha, dapat pag tiyagaan ko iyon. huwag akong basta bastang susuko. dahil ang sumusuko, ay hindi nagwawagi at ang nagwawagi, hindi sumusuko diba? sabi ni Jessa sa kanyang papa.
Napamulagat si Jojo, wala siyang mahanap na sasabihin bilang pangontra sa sinabi ng anak. sa huli ay natatawang napailing na lang siya. Hindi siya mananalo sa pakikipagdebate sa anak dahil lahat ng bala nito ay nagmula rin sa mga payo at bilin niya rito. Minsan tuloy, hindi niya alam kung matutuwa o magagalit na matalino at tuso Ang anak niya, lalo pa at alam niyang sa kanya nito namana ang katusuhang iyon.
Nahiling na lang ni Jojo na anumang kalalabasan ng batang pag ibig ni Jessa Kay Luke ay huwag naman sanang lumikha ng malalim na sugat sa puso ng anak niya.
Dahil Duda siyang basta na lamang susuko si Luke at tatanggapin ang damdamin ni Jessa gayong tandang tanda pa niya ang ikinwento sa kanya ni Juls tungkol sa sinabi ni Luke noong nasa hospital room ito ni Jessa.
Ipinahayag daw ni Luke na hindi ito ang lalaking mapapaikot at mapapaibig ni Jessa. kung sakaling totoo nga iyon, tiyakin lang ng binata na hindi masasaktan ng husto ang kanyang anak sa gagawin ng binata na pagtanggi sa damdamin ni Jessa. dahil kung hindi, buburahin niya talaga ang binata sa mundo kahit pa parang anak na rin ang turing niya dito. si Jessa ang kanyang Unica hija. noong una na tinangka ng dati niyang asawa na kunin sa kanya si Jessa ay hindi siya pumayag, lalong hindi siya papayag na sa mismong harap niya ay maiisahan lang ng ibang lalaki ang kanyang anak.
Sinubukan ni Jessa na umiwas kay Luke. naisip kasi niya na magpapa miss muna siya sa binata bago niya ituloy ang naudlot na panunuyo rito.nagbabaka sakali siyang sa ganoong paraan ay biglang maisip ni Luke na isa pala siyang napakalaking bahagi ng buhay nito at hindi tunay na magiging masaya ang binata kung tuluyan na siyang mawawala sa buhay nito.
Kaya naman binalak ni Jessa na patuloy na huwag pansinin ang mga tawag, text, at pagbisita ni Luke sa kanya sa bahay nila. sa malas nagkaroon naman ito ng bagong kasong hinawakan. Ang ilang linggo lang na balak niyang pag iwas dito ay nawalan ng saysay dahil mahigit na tatlong buwan itong hindi makakauwi. He was working deep undercover so he was not able to even come home kahit sandali lang. ang tanging contact nga na mayroon sila ay sa pamamagitan lang ng pagtawag ng CO ng binata kay Lola Carmina upang ipaalam na ligtas lang ang binata.
Ilang araw nalang at magsisumula na ang pasukan sa paaralan kung saan siya papasok. may apartment na silang tutuluyan ni Bridget na nagpasyang lumipat sa parehong paaralan na papasukan niya para daw magkasama sila. Hindi lang iyong ang reason kung bakit lilipat ang kanyang stepsister kasi lilipat na din ng ibang lugar ang boyfriend nitong si Janus. kaya hindi na siya nagtaka ng malaman niyang malapit lang sa bahay nila Janus ang kanilang apartment na tutuluyan.
Galing Sila ni Bridget ng mall dahil namili sila ng mga gamit pang skwela. pero pagkauwing pagkauwi nila mula sa mall ay kina lola Carmina agad dumiritso si Jessa. hinayaan na niyang si Bridget ang magpasok sa bahay nila ng mga pinamili.
Ayon kasi kay mama Juls na ngayong hapon makakauwi na rin sa wakas si Luke. kaya naman sabik na si Jessa na makita uli ang binata. halos inisang hakbang niya yata ang pagtawid sa mahabang driveway ng ancestral house nila Luke.
Kaya naman ganoon na lang ang gulat niya nang maabutan si Nikka sa tabi ng fishpond pagkatapos niyang tanongin si Lola Carmina kung nasaan si Luke. ayon Kay Lola ay may bisita raw ang binata at naroon sa may fishpond. pero hindi nakita ni Jessa sa may fishpond si Luke. pero nakita niya ang impaktang bisita na tinutukoy ni Lola Carmina.
Hello, Jessa. masiglang bati ni Nikka. nakakaloko ang ngiti nito, tila ba lihim siyang pinagtatawanan. siguro kasi nakakatawa ang labis na pagkadilat ng kanyang mga mata.
Anong ginagawa mo rito? marahas niyang tanong.
Parang hindi ko ata gusto ang tono mo Jessa, sa pagkakaalam ko, bahay ito nila Luke, hindi niyo ito bahay. may karapatan naman ata akung bumisita rito kung kailan ko gusto diba?
Nagagawa mo pang bumalik dito pagkatapos ng binalak mong gawin kay Luke noon? Ang kapal din naman pala ng mukha mo, ano? hihintayin mo pa bang isumbong ko kay Lola Carmina ang totoong rason kung bakit tayo nagsabunutan noon bago ka kusang umalis dito? wala ng inaksaya na oras na kumprontahin ni Jessa Ang babae
At ang mas nakakainis pa ay parang hindi man lang ito nasindak sa sinabi niya sa balak nitong pagpikot noon sa binata. alam niyang hindi ipapaalam ni Luke Kay Lola Carmina ang balak sana ni Nikka noon sa binata. dahil kung alam iyon ni Lola tiyak na hindi ito papapasukin sa gate.
Ano naman sa akin kung sasabihin mo iyon sa huklubang babaeng iyon? pareho lang Naman tayo diba? gusto mo din mapasaiyo si Luke. ang kaibahan nga lang, mukhang hanggang ngayon, Hindi ka pa rin nagtatagumpay. at iyon ay kahit wala na ako sa eksena. wala ka naman palang binatbat. ano? nanunuyang lumapit pa ang impakta sa kanya at tumayo pa sa harap niya.
My relationship with Luke is none of your business! but your attempt to deceive him para lang maiahon niya ang pamilya mo sa hirap at mas worst pa ay magpapanggap ka pang buntis. nanggigigil na singhal niya dito.
Sa tingin mo papaniwalaan niya ang sinabi mo tungkol doon ha? kinausap na niya ako tungkol doon at sorry ka na lang, mas ako ang pinaniniwalaan niya. ni hindi ko na nga kinailangan pang umarte nang bongga para lang makumbinsi siyang nagkamali ka lang ng intindi sa narinig mo noon. Sorry, Jessa pero ang alam ni luke na inosente ako. nagmamalaking sabi ni Nikka.
Edi, pipilitin ko si Luke na paniwalaan ako. Hindi ako papayag na lokohin mo siya ulit ngayon.
Tila ba aliw na aliw na tumawa ang impaktang si Nikka. pagkatapos ay tumalim ang mga mata at hinablot ang kanyang braso. inilapit nito ng husto ang mukha sa kanyang mukha. noon ay hindi niya alam ang ibig sabihin ng malalim na poot, pero ngayon ay alam na niya. dahil iyon ang nakikita niya ngayon sa mga mata ni Nikka.