Mabilis niyang hinawakan ang balikat ni Elaine at marahas itong itinulak palayo dahilan para mapaupo ito sa sahig. Marahas niyang pinahiran ang labi niyang hinalikan nito bago pinukol ng masamang tingin ang babae. "Have you lost your mind?!" Singhal niya. Kita niya ang pagkalaglag ng ilang butil ng luha sa mga mata nito subalit wala siyang naramdamang awa para dito. He was so pissed and mad at the same time. Unti-unting tumayo si Elaine bago humarap sa kanya. "Hindi mo ba talaga ako kayang bigyan ng atensyon, Rave?" Humihikbi nitong turan. "I've been trying my best to be relevant to you. Maganda naman ako. May kaya sa buhay. May maayos na trabaho. I'm literally better than your wife pero bakit pakiramdam ko hindi mo ako kayang makita bilang babae." Mas lalo pang nangunot ang kanyan

