"Ayos lang ba talaga na umalis agad tayo sa dinner?" Nag-aalala niyang tanong kay Raven habang tutok ito sa pagmamaneho pabalik sa bahay nila. Naalala pa niyang hindi na nga ito nagpaalam sa bisita ni Donya Adela at ng asawa nito pati na sa kababata nitong si Elaine.
Raven heaved a sigh before glancing at her. "I don't care if it's okay with them or not. I didn't brought you there to be humiliated, Bee. Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari, hindi na sana tayo nagpunta pa doon."
"D—did you hear them?" Alanganin niyang tanong.
Raven shook his head. "No. But the look in your eyes is already enough for me to conclude they said something that upsets you kahit na aminin mo man sakin o hindi."
Tears formed in the corner of her eyes as she was touched by how much Raven cares for her feelings. "Thank you for being there for me, love," madamdamin niyang sabi.
Hinawakan nito ang kanyang kamay at marahang pinisil. "Was it all about the child and pregnancy thing again?" Salubong ang kilay nitong tanong.
Hindi siya agad nakasagot but even in her silence, Raven immediately knew. Muli itong bumuntong hininga. "Stop listening to what they are saying, love."
Tuluyan ng nalaglag ang luha na kanina pa niya pinipigilan. "I can't help it Raven. Everytime na ipinapamukha nila sakin na ako ang may kasalanan kaya hanggang ngayon hindi parin tayo magkakaanak and even a simple question if why am I still didn't get pregnant upsets me," umiiyak niyang sambit.
Maya maya pa'y naramdaman niyang inihinto ng kanyang asawa ang sasakyan sa gilid ng daan bago siya kinabig ng yakap.
"I'm sorry that you have to experience this thing, love. Kahit na ano paman ang sabihin nila, just remember that I love you, okay? Our love is all that matters, wife. And nothing else..."
Nagpatuloy siya sa pag-iyak sa mga bisig nito para ilabas lahat ng bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Ilang saglit pa ang lumipas bago siya kumalma. Raven carefully wiped her tears away bago siya masuyong hinalikan sa noo.
"Don't worry. Pagsasabihan ko ang mga magulang ko tungkol sa nangyari ngayon—"
"Huwag na," agaran niyang awat. "Mas lalo lang na magagalit ang mommy mo sakin kapag ginawa mo yan."
Bumuntong hininga ulit si Raven bago dismayadong napailing. "Okay. Pagbibigyan ko sila ngayon, but the nextime if this will happen again, hindi mo na ako mapipigilan pang kumprontahin sila."
Tumango siya bago yumakap muli kay Raven. Having him by her side is already enough for her...
Matiwasay silang nakauwi sa pamamahay nila. After cleaning herself, she immediately went to bed where her husband is already sleeping. Tipid siyang napangiti. Mukhang pagod talaga ito sa trabaho dahil sobrang bilis lang na nakatulog. Maingat nalang siyang tumabi sa lalaki para hindi niya ito maistorbo at sinubukan ng pumikit.
Akmang hihilahin na siya ng antok nang tumunog ang cellphone ng kanyang asawa. Sa pag-aakalang importante iyong kliyente ay agad niya itong tiningnan. An unregistered number appeared on the screen. Kaswal niyang binuksan ang mensahe subalit napakunot noo siya nang mabasa ang laman ng text.
"I'm so glad to see you again, Rave. You don't know how much I missed you. I'm very excited to work with you soon too—Elaine..."
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya habang binabasa ang mensahe nito. Fear suddenly crept inside her heart kahit na wala namang relasyon ang dalawa. Hindi naman siya dating ganito dahil hindi siya selosang klase ng babae kahit na alam niyang maraming nagkakagusto sa asawa niya but she felt different towards Elaine. Siguro dahil paborito ito ng ina ni Raven kaya ganun nalang ang naging reaksyon niya.
Sinulyapan niya ang natutulog na si Raven saka humugot ng hangin. She trusts her husband. Matinong tao ito kaya wala siyang dapat na ipag-alala.
Ibinaba niya ang cellphone at pinatay ang screen niyon bago muling tabi sa lalaki saka maingat na yumakap. In that position, she immediately went to sleep leaving her worries away.
Kinabukasan ay maagang pumasok sa ospital si Raven habang naiwan naman siyang mag-isa sa bahay. Naghanda nalang siya ng pork asado para dalhin sa opisina ng kanyang asawa bago magtanghalian. Abala siya sa kusina nang pumasok ang isa sa mga katulong nila at nilapitan siya.
"Ma'am Bee, nandito po si Donya Adela," anunsyo ni Rica habang bakas ang takot sa mukha. Hindi rin naman kasi lingid sa mga katulong nila ang disgusto ng Donya sa kanya.
Napakurap-kurap naman siya. Nanggaling pa siya sa bahay nito kagabi kaya hindi niya inaasahan ang pagdating nito ngayon sa bahay nilang mag-asawa. Isa pa ay once in a bluemoon lang kung bumisita ang kanyang biyenan dahil nga sa kadahilanang ayaw nito sa kanya.
"Nasaan na siya?" Tanong niya at agad na hinugasan ang kanyang kamay.
"Nasa salas po, Ma'am Bee. Doon nalang daw po niya kayo hihintayin," tugon ng dalaga.
Tumango siya bago hinubad ang kanyang apron. "Sige, ipaghanda mo nalang kami ng tsaa at dalhin mo sa salas. Pupuntahan ko na siya," bilin niya kay Rica bago nagmamadaling pumunta ng salas.
Gaya ng sabi ni Rica, naroon na nga si Donya Adela. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa habang nagmamasid-masid sa paligid. Tumikhim siya ng isang beses bago naglakad palapit sa ginang. Mataman naman siya nitong pinagmasdan hanggang sa makaupo na siya sa kaharap na sofa.
"Magandang araw po, Mom. Masaya po ako't nakapasyal kayo dito ngayon," aniya sa malumanay na boses.
"May pinuntahan kasi ako and I just drop by for a bit dahil malapit lang rin naman iyon dito. What have been doing this days na wala kang trabaho?" Pormal nitong sambit.
"Ahm, nagluluto po ako ng pork asado ngayon para kay Raven. Dadalhin ko iyon sa opisina niya mamaya para tanghalian. Marami-rami din po iyon. Gusto niyo po bang dito nalang din kumain? Ipaghahanda ko po kayo—"
"No, hindi na. I don't eat pork asado. Ibigay mo nalang iyan sa mga katulong mo kung marami kang naluto," putol nito sa sasabihin niya sana.
Tumikhim siya at pilit na ngumiti. "G—ganun po ba. Sige po," may bahid ng pagkadismaya niyang wika.
Donya Adela loves pork asado just like Raven. Kaya inaral niya iyon kung paano gawin para maipagluto niya ang asawa niya at maging ang ina nito. Pero kung gaano kalamig ang trato nito sa kanya ay ganun din ang pagtanggi nito sa kahit anong niluluto niya na para bang may halo iyong lason at iniiwasan talaga ng ginang.
"I just came here to tell you that Elaine will be needing more assessment from Raven this coming week kaya may mga pagkakataon na madalas silang magkakasama. I hope you don't mind," panimula nito.
Napalunok siya. She doesn't want the thought of it but knowing Raven's mother, there's no way in hell that she will let her decline.
"What's with that expression? Ayaw mo ba sa sinabi ko?"
"H—hindi naman po sa ganun, Mom. Kaya lang—"
"Kaya lang ano? Are you jealous of Elaine?" Tanong nito bago siya tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa saka pagak na natawa. "Well, I can't blame you on that matter. Elaine was so much better than you in any aspect. Kung ganda lang ang pag-uusapan, mas maganda siya sayo. Mas matalino. She came from a prominent and complete family. She had a good background unlike you na wala man lang kinikilalang mga magulang at lumaki lang sa bahay ampunan."
A felt a slight pang on her chest. Is it really bad to grow up in an orphanage that she dislike her that much?
"Hindi ko talaga alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo. You are nothing compared to the women I want for him to marry. Alam mo naman na siguro na ayaw ko sayo hindi ba? I've been very vocal about it from the start at hindi nagbago iyon hanggang ngayon. Kung ako lang ang masusunod, hindi ako papayag na makasal kayo ng anak ko," dagdag pa nito.
Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi para hindi siya maiyak bago nagsalita. "A—ano po bang dapat kong gawin para magustuhan niyo ako para sa anak ninyo, Mommy Adela?"
Donya Adela stared at her coldly before shaking her head. "Nothing. Dahil kahit ano pa ang gagawin mo, hinding-hindi kita magugustuhan para sa anak ko. Do you wanna know why?"
"B—bakit po?"
"Because ever since he met you, Raven became so stubborn that he won't even listen to me and never follows what I tell him unlike before. Kahit sinong ina hindi magugustuhan ang kagaya mo na minamanipula at inilalayo ang loob ng isang anak sa kanyang ina. Maybe that's the result of having no parents since birth. You're an attention seeker whose greedy for love. Nilalason mo ang utak ng anak ko para hindi na makinig sa gusto ko, Phoebe and I hate you for that—ah it's more than hate. I loathe you so much."
Tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa sofa habang nanatili siyang nakayuko. "Don't cage my son too much around you. Kapag kailangan ni Elaine ng tulong mula sa asawa mo, hindi mo siya pwedeng pagbawalan dahil lang nagseselos ka. And don't you dare defy me kung ayaw mong mawala ng tuluyan ang bahay ampunan na pinanggalingan mo!"
Marahas siyang nag-angat ng tingin sa ginang.
Tinaasan naman siya nito ng kilay." What? You didn't expect me to know your weakness? Kung noon ko pa nalaman yan, you won't be here infront of me today… "