“Sabi kasing tigilan na natin ito! Bakit ba hindi mo ako tinitigilan, Gabriel?” naiinis kong sambit nang makarating kami sa kaniyang condo. Napilitan akong tawagan ang driver namin sa bahay para kunin ang sasakyan at mga pinamili kong curls. Nagpalusot na lang ako na uuwi ako sa condo ko ngayon dahil may aasikasuhin lamang. May tatlong araw pa ako para maghanda para sa pagpunta ko sa company dahil tuturuan ako ni daddy. Medyo nawawala naman na ang kaba ko dahil alam ko naman na kaya ko pero kasi natatakot lang akong magkamali. “You finally stopped calling me sir,” he chuckled pero dahil sa inis ko ay tinalikuran ko siya at nagtungo sa bakanteng room pero sinundan niya ako. Pagkatapos naming gawin iyon sa comfort room ay hindi na niya ako binitawan hanggang makapunta kami sa kaniyang sa

