“Bakit ba tayo pupunta ng Baguio?” tangkang tanong ko sa kaniya habang siya ay kasalukuyang nagmamaneho. Nasa SLEX na kami tapos kasalukuyan kaming bumabyahe ngayong alas dos ng umaga. Bigla ba naman akong inaya na magpunta roon kasi wala kaming klase ngayong week na ito. In-announce kagabi kaya imbis na nakahilata lang ako sa aking kama o sa kaniyang kama, naudlot pa. “Date,” simple niyang sagot habang hinaplos ang exposed kong hita gamit ang kaniyang kanang kamay. “Hindi naman gear shift itong hita ko,” saad ko pero hindi siya sumagot. Unti-unting tumaas ang kaniyang palad papunta sa aking itinatago kaya huminga na lang ako nang malalim at hinampas ang kaniyang kamay. “Nagmamaneho ka.” “And? Puwede namang hawakan ko iyon tapos ikaw humawak at mag-operate ng gear shift, Xianel,” rason

