“Ano iyong nalaman kong ginulo ka raw ni Brittany sa office mo?“ tanong sa akin ni Mirella pagpasok niya ng aking condo. Dito na siya madalas tumambay simula noong nagkaayos kami. Hindi ko naman siya pinipigilan dahil siya na lang ang karamay ko sa ngayon. Kaya bakit ko pa siya ipagtatabuyan, hindi ba? “Xianel, kalat na kalat sa internet ang ginagawa niya!” wika nito at umupo sa bakanteng upuan na nasa aking harapan. “Ikuwento mo sa akin! Dali!” Huminga naman ako nang malalim at sinimulang ikuwento sa kaniya ang lahat. Hindi naman kasi kumpleto ang nasa article dahil ang headline lang no’n ay pinalabas siya sa company ko. May mga koneksyon din kasi si Mirella sa loob ng aking company dahil isa rin naman siyang businesswoman at investor ko. Hindi ko lang alam kung paano niya nasagap iyo

