Chapter 1

1150 Words
Xianel Vien Montenegro’s Point of View “Ang hirap namang mag-aral!” reklamo ni Mirella. Katatapos lang ng klase namin at papunta na kami ngayon sa condo ko dahil gagawin pa namin ang mga project namin na ipapasa na kaagad sa susunod na araw. Kung tutuusin ay puwede naman naming gawin bukas pero dahil ayaw kong maghabol ng oras ay pinilit ko na lamang siyang pumunta ng condo ko para matapos na. Sigurado rin kasi akong tatambakan nila kami ng mga project at assignments sa mga susunod na araw dahil papalapit na ang examination week. “Wala namang madali sa mundong ito. Lahat ay nagsisimula sa ganito,” ani ko habang nakatutok ang mga mata sa kalsada. Kahit na nakikipag-usap ako kay Mirella ay sinisiguro ko pa ring naka-focus ako sa kalsada habang nagmamaneho. Ngunit minsan ay mas pinipili kong manahimik. “Sabi nga nila, pagkatapos natin dito saka lang natin makikita ang hirap ng buhay kapag nagtatrabaho na tayo,” sambit ko. “Huh?! Hirap na hirap na nga ako sa pag-aaral tapos mas may hihirap pa rito?” gulantang na wika ni Mirella. Pagkarating namin sa aking condo ay agad kong inilagay ang passcode bago inayang pumasok si Mirella. Bumungad agad sa akin ang lamig na nanggagaling sa aircon dahil hindi ko naman ito ino-off kahit wala ako rito. “Upo ka muna. Maghahanda lang ako ng meryenda natin.” Agad akong nagtungo sa kusina upang mag-bake ng cookies at gumawa ng chocolate drink namin. Mabuti na nga lang at may stocks ako sa ref ng cookies na gawa ko pa kagabi. Para kapag nag-crave ako ay may mailuluto agad akong cookies kaysa mag-prepare pa ng cookies mixture. Ilang saglit pa ay natapos na akong mag-bake at gumawa ng drinks namin. Kaya naman agad ko na itong inilagay sa tray dahil kailangan na naming simulan ang project namin. Dalawa lang naman ito at kayang-kayang tapusin kaagad ngayon. Mabuti na lamang at pumapayag si Mirella na mag-advance reading kami para hindi mabigla ang utak namin minsan sa mga lesson. Kaya sisiw na lang sa amin ito. “Natapos din natin!” sigaw ni Mirella habang nag-inat-inat pa. “Ano? Dito ka ba matutulog?” tanong ko sa kaniya habang nililipit ang mga kalat namin. “Hindi na. Uuwi ako sa condo ko,” sagot naman sa akin ni Mirella kaya napatango ako. “Ihahatid pa ba kita? Malapit lang naman ang condo mo rito. Mas mabuti na rin na ihatid kita para sigurado akong safe ka.” Inabot ko naman ang mga kalat ni Mirella bago tumayo upang itapon. “Hoy! Huwag na! Sayang gas. Lalakarin ko na lang. Magte-text na lang ako sa iyo kung nakarating na ako sa condo ko,” tanggi naman niya kaya napailing na lamang ako. Minsan sinasabi ko naman sa kaniya na puwedeng matulog dito kung tinatamad siyang umuwi sa condo niya pero pilit siyang tumatanggi. “Basta message mo ako,” paalala ko sa kaniya. “Bukas susunduin kita sa condo mo. Maaga pa klase natin bukas kaya dapat 6:00 am ay nakapaghanda ka na! Maabutan tayo ng traffic kapag ginawa mo pang 7:00.” “Oo na! Dapat 5:30 ay mayroon ka na sa condo ko. Kain tayo sa fast-food, malapit sa university natin.” Pagbalik ko sa sala ay nakita ko pa kung paano siya kumindat sa akin. Gagastos na naman! Hilig talagang mag-aya tapos magrereklamo sa akin na wala na siyang pera. Ako ba ang nag-aaya? Kinabukasan, sinundo ko kaagad si Mirella. 5:30 pa lang ay nandoon na ako at binubulabog siya. Mabuti nga at nakapag-ayos na kaagad siya kaya dumiretso na kami sa fast-food na malapit sa university namin para kumain ng breakfast. “Miss Montenegro,” tawag sa akin ni Professor Fontanilla. Agad naman akong nag-angat ng ulo upang tingnan siya bago itaas ang aking kamay. Nang mahuli niya ang aking mga mata ay agad kong ibinaba ang aking kamay at hinihintay ang kaniyang sasabihin. “After class, follow me to my office. We need to talk about an important matter,” he remarked so I nodded my head at him. Napansin kong napaangat saglit ang dulo ng kaniyang labi at hindi ko malaman kung sigurado ba ako sa aking nakita o namalik-mata lamang ako. Matapos kasi no’n ay inilihis na niya ang kaniyang mga mata at dinig ko pa ang mga bulungan ng mga kaklase ko. Hindi malayo sa edad namin si Professor Fontanilla. Kung tutuusin ay para lamang namin itong kuya dahil 25 years old pa lang naman ito. Bukod din sa hapit na uniform ang suot niya ay guwapo rin ito. Hindi ko iyon itatanggi. Malakas din ang appeal niya lalo na kapag seryoso at masungit siya habang nagtuturo. Hindi nga ako sigurado kung professor ba talaga siya o substitute lang dahil mukha naman siyang businessman sa aking paningin. Nang matapos ang klase, agad akong sumunod sa kaniya at sinabi kay Mirella na hintayin na lang niya ako sa parking lot dahil nandoon ang sasakyan ko. Dalawang oras din kasi ang vacant namin ngayon at pagkatapos no’n ay lunch time na. Pagpasok namin sa office niya ay napansin kong walang tao maliban sa amin. Solo niya ang room na ito? Sa pagkakaalam ko ay nasa iisang room ang mga professor pero bakit si Sir Fontanilla ay mag-isa niya lamang dito? “Lock the door,” utos niya sa akin gamit ang mababang boses habang patungo siya sa kaniyang desk para ilapag ang mga dala niyang libro. Agad ko naman sinunod ang sinabi ni Sir pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Pasimple ko namang ipinilig ang aking ulo para huwag pansinin ang malakas na t***k ng aking puso dahil hindi ito makakatulog para sa pag-uusap namin ni Sir. Nagtataka nga ako kung bakit bigla niya akong ipinatawag dahil wala naman akong maalalang nagkulang ako sa mga project, quiz, assignments at mga activity. “Take your seat,” aya niya sa akin. Nang makaupo ako ay saka ko lamang din napansin na nakaupo na pala siya sa kaniyang swivel chair. Medyo madilim din ang room ni sir at nakababa rin ang mga kurtina. “Hindi na ako magpapaligoy pa, Miss Montenegro.” Bigla naman akong nanlamig sa biglaang pagseryoso ng boses niya. “One of your quizzes, two of your activities, and one of your projects are missing.” Nagulat naman ako sa aking narinig dahil ang alam ko ay kompleto ang requirements ko sa kaniya. Kaya paanong naging ganito? “Sir, ipinasa ko naman lahat. Wala po akong naaalala na may kulang po ako sa subject niyo,” paliwanag ko. Hinila naman niya ang kaniyang necktie and slowly unbuttoned his polo that exposed his firm ch3st. Hindi ko alam kung bakit napatingin ako roon ngunit agad kong ibinalik ang aking mga mata nang matauhan ako. “It’s okay. We can fix that only if you will agree,” he whispered, giving me shivers.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD