KIRA'S POV: NAKAIDLIP ako sa mahabang byahe. Tumuloy kasi kami ni Raven sa Montero's airport na pag-aari nilang pamilya. Inaantok pa kasi ako at dama ang pagod sa pamamasyal namin kahapon ni River sa kanilang town house sa Antipolo. Nakaalalay naman ito sa akin na hinayaan lang akong magpahinga. Hindi ko pa kasi nababawi ang pagod ko mula kahapon. Kaya gusto ko na munang matulog lalo na't nasa byahe kami. Hindi nga ito nagbibiro na nagtungo kami ng Batanes para sa isang araw naming bakasyon. "Darling, we're here now." Dinig kong untag nito. Pero dahil sobrang nanghihina at inaantok pa ako, hindi ako kumibo. Naramdaman ko namang maingat nitong kinalas ang seatbelt ko na dahan-dahang binuhat akong lihim kong ikinangiti. Nagsumiksik ako sa dibdib nito at hinayaan na itong dalhin ako pal

