NAIINIS na lumabas ng mansion si Raven na sumakay sa kotse nito at pinaharurot iyon palabas. Alam niyang hindi basta-basta papayag si Brianna sa nais niya. Pero desidido na siyang hiwalayan ito pagkatapos ng mga natuklasan! Tumuloy ito sa Bar na nagpakalasing sa sobrang inis. Marami siyang problemang kinakaharap ngayon at hindi na malaman kung paano reresolbahin ang mga ito. Bukod kasi sa problema nito kay Brianna na nakipagmamatigasan sa kanya, problema din nito ang unti-unting pagbaba ng sales ng kumpanya nila. Pakiramdam niya ay may nakawang nagaganap sa loob at inaalam pa kung sino ang nagnanakaw sa mga empleyado niya. Napahilot ito sa sentido na nakalarawan ang inis at stressed sa mukha. Malalim ang tanaw ng mapupungay niyang mga mata na iniisip ang sitwasyon. Hanggang sa sumagi s

