NAPABUNTONG hininga ng malalim ang binata na nakamata kay Kira. Kanina pa sila nakarating sa townhouse nito sa Tagaytay pero nanatili pa rin sila sa kotse. Nahihimbing na kasi si Kira kaya nag-aalangan itong kargahin ito at dalhin sa loob ng bahay dahil baka magising niya lang ito. Gusto niya na munang pagmasdan ang dalaga na payapang nahihimbing sa tabi niya. "All I want is to be with you, Kira. Pero bakit ang unfair ng mundo sa akin?" usal nito na napailing. Sa huli ay bumaba ito ng kotse na maingat kinarga si Kira palabas ng kotse. Marahan itong naglakad papasok ng bahay karga si Kira na nakasiksik sa dibdib niya. "Uhmm." "It's okay, darling. We're home," bulong ng binata na maingat itong inihiga sa kama. Napaungol naman si Kira na maramdaman ang paglapat ng likod sa malambot n

