PARANG matatakasan ng bait si Brianna na hindi makakilos sa kinatatayuan. Napangisi naman si Kira na halos mawalan na ng kulay ang mukha ng kaharap nito na bakas sa mga mata ang takot! "I'm back, Brianna. Bumalik ako para singilin ka. Are you. . . afraid now?" pananakot pa ni Kira dito na nangatog ang mga tuhod at hindi na napigilang maihi! Napababa ng tingin si Kira sa paanan nito at hindi mapigilang matawa na makitang nakaihi ito sa sobrang takot! "Oh my God, Brianna. Akala ko ba. . . matapang ka?" pang-aasar nito na maarteng napatakip ng ilong at umarteng nababahuan sa kaharap. "Let's go inside, darling. Baka mahawaan ka pa ng mikrobyo niya'n," wika ni Raven na hinawakan ito sa kamay. Hindi naman umangal si Kira na yumapos pa nga sa braso ni Raven at sabay na pumasok ng mansion.

