Chapter 6

2130 Words
KIRA'S POV: TAHIMIK akong pinapakiramdaman si Marco habang patungo kaming dalawa sa club. Nang makaalis na kanina si River, saka lang ito lumapit. Magkasabay na kaming nagtungo sa club kaysa mag-taxi pa ako. Pagdating namin sa club, sumunod pa rin naman ito. Nage-extra kasi siya bilang waiter dito sa club sa tuwing nandidito ako. Para na rin mabantayan niya ako sa mga magtatangkang bastusin ako. Tumuloy ako sa dressing room naming mga babae. Tumuloy naman ito sa kanilang locker room para magpalit ng damit. Habang inaayusan ang sarili, pumasok si mommy Wena na napangiting makita ako. "How are you, Kira? Ang sabi ni Marco ay may ka-date ka raw kanina. Is it true?" nangingiti at kinikilig nitong tanong na tinulungan akong ayusan ang sarili. "Uhm, opo, Mommy." Nahihiyang pag-amin ko. Kita ko namang masaya itong makumpirmang may ka-date ako kanina. "It was just a friendly date, Mommy. Wala pong malalim na meaning iyon," segunda ko pa. "Hay naku. Ano ka ba? Dalaga ka na, Kira. You deserve to be happy too. Kung tingin mo naman ay mabuti siyang tao at malinis ang intention niya sa'yo, bigyan mo ng pagkakataon. Masarap mainlove at mahalin, Kira. Kaya hwag mo iyon ipagkait sa sarili mo," pagpapayo pa nito habang kinukulot ang buhok ko. "Kilalanin ko po muna, Mommy. Alam mo naman na may mas mahalaga pa tayong dapat unahin bago ang mga bagay na iyan. Katulad na lamang po ng pagbangon natin sa club. Masaya akong makitang unti-unti na nating naibabangon ito," pag-iiba kong ikinangiti naman nito. "At dahil iyon sa'yo, Kira." Wika naman nito. "Hindi a. Dahil iyon sa ating lahat, Mommy. I'm just doing my part po." Sagot ko na inabot na ang red mask ko. Kinuha naman iyon ni mommy na maingat ikinabit sa mukha ko para matakpan ang mukha ko at hindi makilala ng mga costumers. Sumasayaw lang kasi ako sa final ng show. Hindi rin ako nakikipag-table sa mga costumers lalo na ang lumabas kasama sila. "Siya nga pala, Kira. 'Yong sinabi ko kanina na may big-time costumers tayo ngayon." Saad nito na inayos ang pagkakatali ng mask ko sa likod ng ulo ko. Nakamata naman ako ditong hinihintay ang sasabihin. Humawak ito sa magkabilaang braso ko na yumukong ipinatong ang mukha sa balikat ko at tumitig sa mga mata ko. "Nag-offer kasi si mr Montero, hija. Ten million pesos para makasama ka niya sa VIP room. No worries. Hindi ka naman makikipag-s*x sa kanya. Gusto ko lang niyang makasama after your performance tonight. Kung ako lang, ayoko. Kahit may bouncer tayo sa labas ng VIP room na sasaklolo sa'yo kung sakali at lumagpas siya sa usapan, ayoko pa rin na makipag-table ka. Ito ngang pagsasayaw mo dito e ayaw namin ni Marco. Ang makipag-table pa kaya," mababang saad nito. Nqpangiti ako na hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa braso ko. "Kung magkukwentuhan lang naman po kami ay walang problema sa akin, Mommy. Malaki din po ang ibabayad niya sa akin para sa gabing ito. Isang buwang kita rin natin iyon dito sa club kung susumain. Kaya ko po, Mommy. Sayang po ang bayad niya." Sagot ko dito na lumamlam ang mga matang bakas ang pag-aalala. "Pero. . . magagalit si Marco. Hindi niya pa kasi alam ito e." Nag-aalalang saad nito. "Ako na pong bahalang magsabi, Mommy. Hwag mo nang alalahanin iyon." Sagot ko dito na napahingang malalim at napipilitang tumango. "Kapag hinaplos ka niya o tangkaing halikan, sumigaw ka ha? Saka, hwag kang iinom. Baka malasing ka pa. May camera naman tayo sa VIP room kaya mapapanood kita kung sakali at may gawin siyang masama," saad pa nito na ikinatango ko. "No worries po, Mommy. Kaya ko ang sarili ko." Pagpapanatag ko sa loob nitong tumango na inalalayan akong makatayo. Nakasuot ako ng one piece daring red swimsuit. May korteng pusong disenyo sa bandang tagiliran ko kaya nakalantad ang maliit kong baywang. Malalim ang vline kaya labas na labas ang malusong kong cleavage lalo na't bilugan at tayong-tayo ang dibdib ko. Naka-black boots din ako na abot hanggang tuhod ko. Nakalugay ang mahaba kong nakulot na buhok na pulang-pula ang mga labi. "Kapag nanumbalik na ang lakas ng club natin, hindi mo na kailangang magtrabaho bilang stripper dito ha? Bilang pangalawang ina mo, ayoko na gan'to ang trabaho mo. Kaya nga pinag-aaral ko kayo e. Kasi gusto kong makapagtapos kayo ni Marco at magtrabaho sa malaking kumpanya balang araw. Konting tiis na lang, anak ha?" wika pa nito habang magkayakap kaming nagtungo sa backstage. "Okay lang po, Mommy. Naiintindihan ko ang sitwasyon natin. Ako man ay ayokong bumagsak ang club. Ito na lang po ang naiwan ni daddy Griffin sa atin na mapangangalagaan natin." Sagot ko ditong tumango na malamlam ang mga matang hinaplos ako sa ulo. "Yong usapan natin ha? Kapag hinipuan ka ni mr Montero, sumigaw ka. Okay?" paalala pa nito na ikinatango ko. "Opo, Mommy." NAPAPABUGA ako ng hangin habang nasa likod ng stage at hinihintay ang signal ng manager namin na papasok na ako. Dinig ko naman ang mga hiyawan ng mga costumers at kasalukuyan nang sumasayaw ang mga kasama ko. Kahit ilang beses ko na itong nagagawa ng maayos, hindi ko pa rin maiwasang kabahan sa tuwing sasayaw ako sa stage ng sexy at seducing dance para mang-engganyo ng mga costumers namin. "You can do it, Kira." Usal ko na humingang malalim bago pumasok ng stage. Naghiyawan at palakpakan ang mga tao sa harapan namin nang lumabas na ako at tumapat ang spotlight sa akin. As usual, malagkit akong nakatitig sa lahat na marahang ginigiling ang balakang habang humahaplos sa sarili. Sumasabay sa agos ng malamyos na musika ang bawat kumpas ng kamay at indayog ng balakang ko. Hanggang matapos na ang performance namin na umani ng nakabibinging hiyawan at palakpakan ng mga costumers namin. Napa-flying kiss pa ako sa lahat na matamis na ngumiti sa mga itong lalong naghiyawan. Nangingiti akong nagtungo na sa backstage kasama ang mga backup dancers ko na pakendeng-kendeng ang umiindayog naming balakang. "Good job, girls! Ang galing niyo," pagpuri ko sa mga ito habang nandidito kami sa dressing room at nagbihis na. "Naku, ms K. Ikaw nga itong magaling e. No wonder bumabalik balik ang mga costumers natin dahil sa'yo," sagot ng isa na sinang-ayunan ng iba. Natawa naman ako na nagsuot ng sexy strapless red dress na hindi na hinubad ang maskara ko. Nagpaalam na ako sa mga ito na lumabas na ng dressing room. Sakto namang palapit na si mommy na hinintay kong makalapit. "Ihatid na kita, okay? Nakabantay lang ako sa control room natin. Panonoorin ko kayo ni mr Montero in case may gawin siyang labag sa usapan namin." Wika nito na ikinatango kong yumapos sa baywang nito at kasamang umakyat ng second floor ng club. "No worries, Mom. Kaya ko naman pong protektahan ang sarili ko," saad ko dito. "I know, anak. Pero maganda na rin na makasiguro tayo. Ito ang unang beses nating maging costumer dito si mr Montero. Kaya hindi pa natin lubos na kilala ang taong iyon. Kung mapagkaka tiwalaan ba siya? O hindi." Sagot nito na sinang-ayunan ko na lamang. Pagpasok ko ng VIP room, naabutan ko dito ang isang lalakeng naka-formal pa. Nakatalikod siya sa gawi ko dahil nakaharap ito sa glass wall. Tanaw kasi dito sa loob ang first floor ng club. Ang mga nasa stage at mga sumasayaw sa dance floor. Napalunok ako na mapatitig sa pigura nito. Matangkad kasi ito at hindi maipagkakailang maganda ang pangangatawan. Tila naramdaman naman nito ang prehensya ko na dahan-dahang pumihit paharap. Napalunok ako na mapagsino kung sino ito! Si Raven Montero! Ang ama ni River! Biglang bumilis ang t***k ng puso ko na natuod sa kinatatayuan. Hindi maipagkakailang mag-ama nga sila. Kamukha kasi ito ni River. Parang nakatatandang kapatid niya lang ito kung titignang maigi. Napakagwapo nito sa suot na white long sleeve na naka-tuck-in sa black pants niya. Nakatupi ang manggas no'n hanggang siko na maayos ang pagkaka-wax ng buhok. Malinis ito sa mukha at umaalingasaw dito sa silid ang manly perfume nito na kay sarap sa pang-amoy. Ngumiti ito na humakbang palapit sa akin dito sa tapat ng pinto. Hawak-hawak pa niya ang baso ng shot niya na kitang hindi pa naman ito lasing. "Hi, are you afraid?" tanong nito na ikinasinghap kong marinig ang baritonong boses nitong kaboses ni River! Kung hindi ko lang nakasama si River kanina, mapagkakamalhan kong siya itong kaharap ko ngayon. Ang pinagkaiba lang nila, ang haircut nila at mas matured tignan ito kay River. "H-hello, sir. Hindi naman po. Kabado lang," sagot ko na nasa harapan ko na ito. Napatango-tango naman ito na naglahad ng kamay. Kabado man ay tinanggap ko ang kamay nito na muling ikinabilis ng t***k ng puso kong maramdaman ang mainit at malambot nitong palad. Sa laki ng kamay niya ay parang kumalahati lang ang sukat ng kamay ko! Nahihiya akong mapatitig dito na matiim na nakatitig sa akin. "I'm Raven Montero. You don't have to be formal to me, ms. You can call me by my name," saad pa nito. "Parang nakakawalang galang naman po kung tatawagin ko kayo sa pangalan niyo, sir. E kung. . . tito kaya?" wika ko. "Fvck!" Napalapat ako ng labi na nag-init ang mukha na malutong itong napamura at natawang napailing. "Gan'on ba ako katanda para sa'yo?" natatawang tanong nito na ikinangiwi ng ngiti ko. "H-hindi naman po, sir." Nahihiyang sagot ko. Napatitig pa ito sa akin na napahagod ng tingin sa kabuoan ko. Kita ang pagbulatay ng paghanga at pagnanasa sa kanyang mga mata na mapasulyap sa hita at cleavage kong nakalantad. "Daddy na lang kung gano'n. Ayoko namang tawagin mo akong tito," saad nito na ikinainit ng mukha ko. "D-daddy po?" Natawa ito. "Drop the po. Ang lakas makatanda e." Natatawang reklamo nitong ikinatango ko. Magkaharap kaming naupo sa mini sala ng silid. Nagsalin pa ito ng alak sa isa pang baso na inialok sa akin. "Uhm, hindi po--ahem! Hindi kasi umiinom ng hard, D-daddy." Nakangiwing saad ko na nautal pang tawagin itong 'daddy'. "Oh," napasinghap ito na napatango-tango. "You can order what you want, ms--" wika nito na nagtatanong ang mga mata. "Kaye. I'm Kaye." Sagot ko ditong tumango. "Kaye nice," tumatango-tangong saad nito na matiim pa ring nakatitig sa mga mata. "I think you're like a goddess behind that mask. Pwede ko bang masilip ang mukha mo, Kaye?" malambing saad nito. Alanganin akong ngumiti. "Okay." Tipid kong sagot. Naka-make-up naman ako kaya medyo nag-iba ang mukha ko. Hindi katulad kanina na light lang ang make-up ko noong kaharap ko si River. Isa pa, dim light ang ilaw dito sa silid kaya kahit hubarin ko ang maskara ko, hindi niya makikita ang totoong mukha ko. Dahan-dahan kong hinubad ang suot kong maskara. Matiim lang naman itong nakatitig na bakas ang kasabikan sa kanyang mga mata. "Wow!" singhap nito nang maibaba ko na ang maskara at napahawi sa buhok ko. Napaawang pa ito ng labi na nahihirapang napalunok. Bakas ang kamanghaan sa kanyang mga mata na mapatitig sa akin. Matamis akong ngumiti dito na natutulalang nakamata sa akin. "Should I wear my mask again? Natutulala ka e." Pabirong saad ko. Kailangan kong makuha ang loob nito. Dahil siya lang naman. . . ang asawa ng stepmom ko. Kung magagalit siya na naglalalapit ako kay River na stepson niya? Paano pa kaya kung sa mismong asawa niya? Nakahanda akong maglaro ng apoy sa palad ko na gagamiting pamaso sa magaling kong stepmother para sunugin ito ng buhay! Titiyakin kong mahuhulog sa bitag ko ang mag-ama niya. Dahil kapag nawala ang mga ito sa kanya, wala na siyang kapangyarihan. Wala na siyang matutuntunan. Wala na siyang maipagyayabang. Dahan-dahan akong tumayo na lumipat ng upuan sa tabi nitong hindi makakibo na kanina pa nakatulala sa akin. Kahit labag sa loob ko ay kailangan ko siyang akitin at huliin ang kiliti niya. Malaki din ang makukuha kong pera sa kanya para mas mapalago pa ang club namin kapag nahumaling siya sa alindog ko. "Wala bang magagalit. . . kung lalapit ako sa'yo ng gan'to," malanding bulong ko na dahan-dahang inilapit ang mukha at katawan dito. "H-ha?" tulalang saad nito na mahinang ikinatawa kong mas inilapit ang mukha sa mukha nito. Malamlam ang mga mata kong napatitig sa mga mata nitong palipat-lipat ng tingin sa mga mata at labi kong nakaawang. "Baka naman mamaya. . . may sasabunot bigla sa akin ha?" pabulong anas ko ditong napapalunok. Nalalahanghap na kasi namin ang hininga ng isa't-isa. At aminado akong mabango ang hininga niya. "Oh God," usal nito na mabigat ang paghinga. "I'm not allowed to touch you, darling." Paanas nito na bakas sa mga mata ang kasabikang mahawakan at maangkin ako! "You can have me, Raven. . . if you're not married man." Malanding bulong ko ditong napapikit na humingang malalim. "Fvck!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD