SPG!!! Warning: Some scenes are not suitable for young readers, some vulgar words are used. Read at your own risk!!!! It's hard to beat a person who never gives up.... Pangiti ngiti si Loren ng lumabas sa silid ni Lance.Katatapos niya lang maligo at tapos niya na rin ang lahat ng gawain sa mansiyon. May isang oras pa siya upang maturuan si Tim ng kanilang lesson at pagkatapos ay maghahanda pa siya ng tanghalian nila. Kailangan niya lang ng ibayo at tamang pamamalakad ng kanyang oras upang maggawa ng lahat ng dapat tapusin sa araw na ito. Kumatok siya sa pinto ng silid ni Tim upang sunduin na ito dahil plano niyang sa ibaba na lang sila mag-aaral ng leksiyon upang mas madali siyang makarating sa kusina mamaya upang magluto ng tanghalian nila ni Lance at Tim. Dala niya na rin ang mga da

