"Enough, woman! busog na ako," angal nito na patuloy pa rin ang pagsubo ko ng pagkain sa kanyang bibig. Tila naman mabibilaukan na si Lance sa dami ng pagkain na nasa kanyang bibig.Bukol na bukol na ang kanyang bibig kaya nahihirapan na rin itong ngumuya at lunukin.Ako naman ay humalagpak ng tawa sa kanyang hitsura. Hindi nito ako binitiwan sa pagkakandong sa kanyang binti.Ipinulupot nito ang mga kamay sa aking beywang na tila nakayapos sa akin.Talagang wala akong kawala kahit pa man punuin ko pa ang kanyang bibig ng pagkain, preso pa rin ako sa kanyang tila bakal na mga braso. "You witch, lagot ka sa akin!," sabi nito ng makabawi sa pagnguya at lunok ng mga pagkain sinalansan ko sa kanyang bibig. Sinunggaban agad nito ang aking bibig na nakabuka sa pagbungisngis ng tawa.Agad nitong na

