"Burpppppppp...,"dighay ni Tim pagkatapos kumain na hinaplos haplos pa ang tiyan. Nagkatawanan kaming lahat sa dining table sa inasta ni Tim.Pati siya ay napatawa na rin sabay sa aming lahat. Pagkatapos ng salo-salong kainan at kuwentuhan sa dining room ay tinungo naman namin ang sala ni Tim dahil na rin sa udyok ng mga housemaids na pagpahingahin nila ako doon at sasamahan daw ako ni Tim. Pagkarating namin ni Tim sa sala ay pumuwesto na ito agad sa gitna ng malapad na sofa na tila gusto ng matulog dahil patihaya itong nakaupo na halos okupado niya ang lahat ng espasyo. Agad naman akong tumabi sa kanya na kinuha pa ang kanyang kamay na nakapatong sa espasyo na aking uupuan. "Tim, gusto mo na bang matulog, you can lie down on my lap and I'll sing your fave lullaby," paanyaya ko pa. "N

