Atubili akong pumasok sa dining area ng mag-asawang kumupkop sa akin kagabi. Naulinigan ko pa rin ang baritonong boses ng lalake na tila seryosong kinakausap ang mag-asawa. Natigil ang pag-uusap nila ng inulawa ako sa harapan nila.Nalipat ang tingin nila sa akin. Para akong bagay na masusing pinag-aralan ng tatlo mula ulo hanggang paa. Mabuti na lang at desenteng kasuotan ang napili ko.Isang black trouser at white plain top na may kaluwagan ng konti.At least hindi ako mapapahiya sa mga taong kaharapan ko ngayon. Nanatili lang akong nakatingin sa mag-asawa. Alam kong titig na titig pa rin sa akin ang lalakeng kasama nila. Hindi ko lang matitigan dahil sa may kaba akong nararamdaman para sa estranghero. Pakiramdam ko'y si Lance ang lalakeng nakatunghay sa akin o namamalikmata lang ako da

