Bakit ang hirap para kay Lance ang magsabi ng sorry? Iyon lang naman ang salitang nais kong marinig buhat sa kanya. Kaya't anong pagpapacute ang ginagawa niya ngayon sa harap ko ay hindi pa rin buo ang aking kasayahan.Lalong lalo na hindi man lang nito binabanggit ang salitang pag-ibig. Alam kong maaga pa para pag-usapan namin ang tungkol sa totoong saloobin namin sa isa't isa.Ngunit hindi ko mapigilan ang isiping tulad lang din ito ng dati na pagpapakita sa akin ni Lance ng sweetness at pagkatapos isasabak na naman ako sa pakikipaglaro nito sa apoy. Gusto kong magkalinawan na kami sa isa't isa.At least magiging panatag na ako sa totoong damdamin ni Lance para sa akin.Hindi tulad ng ganito lagi ako nangangapa sa dilim kung saan ba ako lulugar sa buhay niya. Kung gagawin niya ba akong k

