Bumangon na lang ako sa higaan dahil kahit anong pilit kong makatulog ay hindi na talaga ako dalawin ng antok. Nagpasya akong magbihis ng terno pajama ko na nakita ko sa ilalim ng cabinet.Mas komportable akong magsuot ng ganito kaysa manipis na nighties na kita na ang aking kaluluwa.Kahit ba naman nagiging alipin na ako ni Lance sa makamunduhang pagnanasa nito ay may natitira naman akong hiya sa pamimili ng dapat at hindi dapat suotin. Pagkatapos kong magdamit ay nagpasya akong bumaba ng kitchen.Kahit tatatlo lang kaming naninirahan sa mansiyon ay nakabukas ang lahat ng ilaw sa lahat ng sulok kaya't hindi ako takot na tunguhin ang daan papunta sa kusina. Nang makarating sa kusina ay kinuha ko agad ang heater ng tubig at isinaksak sa kuryente.Balak kong magtimpla ng kape.Dahil hindi na

