"Handa na ba lahat ng mga gamit mo anak," bungad ni nanay mula sa pintuan ng aking kuwarto.
Kasalukuyan akong nag-aayos pa ng iba ko pang kagamitan na dadalhin sa aking pagpasok sa trabaho bilang tutor.
Nakaempake na ang aking mga damit sa maliit na travelling bag.Konting damit lang ang aking inimpake dahil wala iilang piraso lang din ang mayroon ako.
Limang blusa at apat na kupasing pantalon.May baon din akong dalawang terno na pajama.May oras din naman siguro sa paglalaba kung kaya't sapat na itong dadalhin ko.
"Opo inay handa na po lahat," magiliw kong sabi.
Mababanaag ko ang lungkot sa mukha ni nanay ngunit pilit kong binabalewala.
"Inay, halika po, payakap nga nay! Huwag na kayong malungkot uuwi din ako dito, hindi naman malayo ang pupuntahan ko," pagpapalubag-loob ko kay nanay.
"Magpapakabait ka doon anak, ang bilin ko sa iyo ha, ingatan mo ang sarili mo.Wala kami doon para ipagtanggol ka kaya maging matatag ka," paalala ni nanay
Niyakap ko si nanay at gumanti din siya ng yakap sa akin. Hinagod hagod ko ang likod ni nanay.Naramdaman kong yumuyogyog na ang kanyang balikat sa pag-iyak.
"Inay, tahan na po, mabigat sa loob ko ang umalis pero kailangan natin ito, konting tiis lang nay, tatlo o anim na buwan lang hanggang makapasok na ako sa DepEd ay aalis din ako doon, magkakasama din tayo ulit," pagkukumbinsi ko sa kanya.
"Hindi ko mapigilan umiyak at malungkot anak, simula't sapol hindi ka nalayo sa amin ng papa mo.Kahit mahirap tayo ay natatawid natin ang buhay na magkasama," histerya ni nanay.
"Inay, iba na ito ngayon, kailangan natin ng malaking halaga para makabayad ng utang, sana maintindihan mo nay para din ito sa ating lahat, kaya huwag na malungkot nay," alo ko sa kanya.
"Hoy Tilde tigilan mo na iyang iyak-iyak mo diyan, tanghali na baka mahuli si Loren sa biyahe," sabi ni tatay Ramon na nakapasok na sa aking silid na hindi namin namamalayan.
"Halika ka dito tay, group hug tayo," tawag ko kay tatay Ramon na umiiyak na rin.
Nakiyakap na rin sa amin si tatay Ramon.Walang maririnig na salita sa amin kung hindi tunog ng pagtangis.
"O, siya tama na ang drama, mahuhuli ka na talaga Loren, halika ka na naghihintay na traysikel sa labas, si Pareng Jun ang maghahatid sa iyo," pigil sa pag-iyak na wika ni tatay Ramon.
Naideposito na tatay Ramon ang jeep sa pinagkakautang niya, hangga't hindi namin nababayaran ang two hundred fifty thousand at interes ay hindi namin makukuha ang jeep.
Ito ang nagsisilbing deepest why ko kung bakit desidido akong magtrabaho bilang tutor kahit ang kapalit ay malalayo ako sa aking mga magulang.
Ako ang bumitaw sa yakapan namin at pinunasan ko ang aking mukha na basang-basa na ng luha.
"Sige po itay, tayo na po inay, ihatid n'yo na po ako sa labas," pinatatag na sabi ko.
Binitbit na ni tatay Ramon ang aking mga bagahe at sinukbit ko na sa aking balikat ang aking mumurahing sling bag.
Bago ako tuluyang sumakay sa traysikel ay isa-isa kong hinalikan si Inay Tilde at Itay Ramon sa kanilang noo at pisngi.
Mamiss ko talaga sila.Gaya nga ang sinabi ni Inay Tilde, ngayon lang ako mapapalayo sa kanila.
Kahit noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo at sekondarya.Kahit may mga overnight group works or mga field trips ay talagang hindi ako sumasama.Maliban sa wala kaming pera pambayad at panggastos, ay ayaw ko talagang malayo sa kanila.
Nagmano muli ako sa kanila bago tuluyang sumakay sa traysikel na walang lingon-lingon uli sa kanila.
Ayaw kong madagdagan pa ang lungkot sa aking dibdib.Mabuti na hindi ko nakikita ang mga malulungkot nilang mukha.Mas lalo lang akong mahihirapang mapalayo sa kanila.
Pinaharorot na ni Mang Jun ang traysikel.Tahimik lang ako sa loob ng traysikel habang si Mang Jun ay paminsan-minsan ding nagkukuwento ng ano-ano na lang.
Inihinto ni Mang Jun ang traysikel sa bus station kung saan ako sasakay papunta ng lungsod ng Maynila.
Tinulungan niya akong isakay ang aking mga bagahe sa loob ng bus, nagpaalam na rin siya sa akin at nagpasalamat din ako sa kanya.
Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko dahil bumyahe na din paalis ang bus.
Dahil siguro sa sobrang pag-iyak ay nakatulog ako.Hindi ko namalayan na dumating na pala kami sa Maynila kung hindi pa ako ginising ng kundoktor.
Pagbaba ko ng bus ay palinga-linga ako sa buong paligid.Ayon pa kay Mrs.Santos ay may susundo sa akin papunta sa bahay ng aking pgtratrabahoan.
Kinarga ko na ang aking mga bagahe at naglakad palabas ng station, maghihintay na lang ako sa waiting area.
Pagkaupo ko pa lang sa waiting are ay biglang nagring ang aking phone. Sinagot ko ito kaagad baka ito na iyong susundo sa akin.
"Hello, sino po sila?" magalang kong sabi.
"Hello si Ms.Loren Ann ba ito?" baritonong tanong ng lalake sa kabilang linya.
"Opo, ito nga po," ganti ko.
"Hi, Ms.Ako po si Tonyo, ako po ang na-assign na susundo sa inyo, nandito na po ako sa labas ng bus station, saan ka na ba Miss?" mariin niyang sabi.
"Oh, hi Mang Tonyo.Nandito na po ako sa loob ng waiting area.Kararating ko lang po," sabi ko sa kanya.
"Okay, Miss, hintayin mo ako diyan at ako na ang pupunta diyan sa iyo, wait for me okay?" pantastiko niyang sabi.
Maya-maya lang ay may isang kalbong lalake na nakasuot ng barong puti at itim na pantalon ang lumapit sa akin. Natitiyak kong ito na nga si Tonyo dahil malayo pa lang ito ay nakangisi na sa akin.
"Hello, Ms.Loren, ako si Tonyo, call me Tonz for short at your service," masaya niyang bati.
"Oh, hi po, matanong ko lang po,paano ninyo po nalaman na ako si Loren?" kuryoso kong sabi.
"Ah, eh siyempre wala namang ibang magandang binibini dito kung hindi ikaw lamang, at natitiyak kong ikaw na nga iyan," ngiti-ngiti niyang sabi.
"Alam ninyo po bolero po ako, hindi naman po ako maganda, haist....charis!," ganti ko sa kanya.
"O sige na iyan lang ba ang dala mo, halika ka na, at para hindi tayo gabihin sa daan, matraffic na ganitong oras," mungkahi niya.
Sumunod din ako sa kanya sa paglalakad.Tahimik akong sumakay sa BMW na pinagbuksan pa niya ako ng pinto sa likod ng driver seat.
Nahiya naman akong pinagsilbihan niya pa.Pareho lang naman kaming trabahante ng magiging amo ko.
Samutsaring emosyon ang bumulatay sa aking puso't isipan.Nagagalak akong magkatrabaho na ngunit hindi ko maiwasang mangamba sa kalalabasan ng aking panunungkulan bilang tutor.
Bukod sa first time ko itong trabaho, ay nangagamba ako sa magiging ugali ng amo ko at pati na rin ng batang tuturuan ko.
Wala namang ibang impormasyong sinabi sa akin si Mrs.Santos patungkol sa magiging amo ko kung hindi ay tungkol lamang sa suweldo at isang araw na day-off sa isang buwan.
Bukod sa malaking suweldo ay bawal akong umuwi og magday-off.Siguro gusto lang masulit ng amo ko ang ibabayad sa akin kung kaya't isang beses lang ang day-off.
Haist!Bahala na nga,basta ang importante ay may trabaho at makapag-ipon ako. Saka ko na lang iisipin ang pakikibagay sa magiging ugali ng amo at tutee ko kung nandoon na ako.
"One day at a time nga," palaging sabi ni tatay Ramon sa akin.Nagpakawala ako ng buntong-hininga at itinuon ang pansin sa labas ng bintana ng sasakyan.