Papalubog na ang araw ng matapos sila Lance at Tim sa kanilang paglalaro ng golf. Wala naman akong ginawa sa maghapon kung hindi ang tagamasid lamang sa dalawa. Mabuti na lang at may mini concrete cottage ang course area na napili nila kaya’t may nasilungan ako habang naghihintay kung kailan sila matatapos. “Let’s have an early dinner, what about that?” mungkahi ni Lance sa aking tabi ng nasa loob na kami ng sasakyan niya. “Ah…sa bahay na lang kaya tayo kumain sir…magluluto na lang ako, “sabi ko naman. “Don’t bother, the traffic is heavy by now, maabutan tayo ng gabi sa daan, I insist we’ll have to dine outside,” sabi pa nito. “Tim, anong gusto mong dinner?” I asked Tim instead. “Just like before Miss Loren, take out na lang ng Jollibee,” masayang sabi nito sa likod namin. “That’s n

