"Kaya mo yan Loren, fight," pampalakas ko sa aking sarili habang naglalakad palabas ng villa. Tumatambol tambol pa ang aking dibdib sa nerbiyos, dinaig ko pa ang ang teenager sa una nitong eyeball sa textmate.Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan eh, magkikita lang naman kami doon ni Lance para sa opening ng Lor Amor. Nothing special to happen but just purely business ni Lance kaya dapat naroon ako at bigyan siya ng suporta.Iyon man lang ay masuklian ko ang mabuti niyang ginawa para sa akin. "Eh,ano ka ba, magkarelasyon ba kayo?eh, paano kung nandoon ang babaeng mahalaga sa kanya that reminds him of that woman in the baywalk, paano ka na? sabi ng munting tinig sa utak ko. Hindi naman siguro ako pag-aaksayahan ng panahon at pagkakagastahan ng mahal ni Lance para sa wala lang.Siguro n

