Love Lesson No.8- Love keeps no record of wrongs but adheres to the truth. Mabuti at hindi na nagpumilit pa si Lance na angkinin siya muli ng pumasok siya sa silid nito matapos ang eksena nila sa counter ng kitchen. Hindi niya naggawang magbihis pa pagkatapos nilang magtalik. Pinulot niya na lang ang mga wasak na uniforme at damit pangloob at itinapon sa basurahan. Sayang ang VS na panty at bra na binigay ni Lance sa kanya, para lang itong nagtatapon ng libo libong pera sa pagiging maaksaya nito. Hindi din puwede siyang bumalik sa dating kuwarto dahil tiyak niyang magagalit na naman ito sa kanya. Iba pa naman iyon magalit talagang halos mapugto na ang hininga niya dahil hindi ka titigilan. Sa huli ay tumabi siya kay Lance sa pagtulog. Hihirit pa sana ang maniac kung hindi niya lang ito t

