Bawat hakbang ni Lance pabalik sa villa ay ramdam na ramdam ko kahit nakapikit pa ang mga mata ko.Pagod at kirot ng hiwa ko down there ay hindi ko alintana basta't kapiling ko lang ang lalakeng nagpalasap sa akin ng kakaibang langit. Alam na alam ko na nakatitig pa rin sa akin si Lance habang buhat ako nito palakad pabalik sa villa.Gusto ko man na pakatitigan din siya ngunit alam ko kung saan naman hahantong ang aming titigan. Sigurado akong susunggaban naman muli nito ang aking labi kaya't isinuksok ko pa lalo ang aking mukha sa kanyang dibdib.Para kaming si Adan at Eva hubo't hubad at basang basa na papasok sa loob ng villa. Ipinasok agad ako sa silid ni Lance at agad niya akong dinala sa loob ng banyo.Ibinaba niya ako sa ilalim ng shower at binuksan niya agad ito.Agad akong naggising

