NAGING ABALA si Gelo sa pag-attend ng pre-trial conference. Gayunpama'y inaasahan niya ang pagdating ni Elle dahil na rin sa pag-asang siya ang papaburan ng judge. At bago pa man dumating ang araw na ito ay sinigurado niyang makakahanap din siya ng butas kay Elle. Kaya naman naging abala siya kahapon at hindi na muna pinagtuunan ng oras si Deina, ang mahalaga'y nagsabi siya rito na kailangan niyang paghandaan ang pre-trial conference. Nang malaman niyang si Elle ang nasa likod nang pagka-flat ng gulong kaniyang kotse ay tinawagan niya ang numero nito para sana makipagkita. Hindi niya na muna binanggit ng tungkol sa nangyaring muntikang aksidente at sa halip ay maayos niya itong kinausap. "Elle, magkita tayo, ngayon din," ma-awtoridad na aniya. "Para saan pa? Did you already miss me?" "

