GELO WOULD keep reminding himself that this battle could make him win, unless if he will make a plan to brought back Angelie in his home.
Subalit, kasabay nang pagkasira ng mga designs sa may veranda ay ang isang katotohanang nakapagpalungkot din sa kaniya kinabukasan. "Kailangan na naming bumalik bukas sa Pasig, anak. Nami-miss na rin kasi ni papa mo roon, pasensya ka na kung kinakailangan ka naming iwan gayong hindi ka pa nakaka-recover sa ginawa ni Elle."
"I understand, ma. Pero kung ako lang sana ay dito na lang sana kayo tumira. I am working so hard for our family. Na kahit pamilyado naman na ako ay hindi pa rin mawawala ang responsibilidad ko sa inyong mabigyan kayo ng maginhawang buhay."
Bahagyang inilahad ng kaniyang ina ang palad nito sa mukha niya at sinabi, "Ano ka ba, sapat na sa amin ng papa mo 'yung maging isang mabuti kang ama para kay Angelie. Hindi mo na kailangang may patunayan pa sa amin ng papa mo. Dahil noon pa man ay nakita na namin ang pagsisikap mo, para matupad ang iyong mga pangarap.."
Tipid siyang napangiti kahit binabalot pa rin ng kalungkutan. "Salamat, ma.."
Ilang sandali pa ay pareho silang natigilan nang marinig ang tinig ni Mr. Evan Madrigal. "O, tama na 'yang drama. Magkikita-kita pa naman tayo ulit." Napalingon sila pareho ni Mrs. Madrigal habang nagpatuloy naman si Mr. Madrigal sa pagsasalita, "Sa ngayon ay kailangan din muna naming bumalik sa normal na buhay habang pinaglalaban mo ang karapatan mo kay Angelie. Karapatan mong maging masaya, anak."
"Pa.." maluha-luhang aniya. "Salamat po. Ahm, ihahatid ko na kayo, para hindi rin kayo masyadong ma-traffic sa biyahe," pagpipresinta pa niya.
"Sige ba, hinding-hindi namin hihindian 'yan. Pero hindi ba't may pasok ka pa?"
"Opo, pero didiretso na rin po ako sa trabaho matapos ko kayong ihatid." Nagkangitian pa silang tatlo at nagpaalam kay Aleng Ester at ibinilin ang bahay bago pa man sila magpasyang umalis. Ngunit pipihitin niya pa lang sana ang manibela nang marinig niya ang pagtunog ng kaniyang phone. It was a call from Deina. At bahagya siyang natulala nang mapagtanto na nakaligtaan niya pa lang i-text ang nobyang si Deina mula pa kanina. Kaya naman nanatiling tumutunog ang phone sa kabuuan ng kotse.
Hanggang sa marinig niya ang boses ng kaniyang ina. "Sige na, sagutin mo na muna ang tawag, mukhang mahalaga 'yan."
"Ahm, si Deina po, ma." Napatango naman ang mag-asawa bilang pagpayag na kausapin niya na muna ang nobya mula sa kabilang linya. "Excuse me po," aniya at saka lumabas na muna sandali upang sagutin ang tawag.
Pagkasagot ay narinig na agad niya ang mataas na boses ni Deina. "Bakit ba ang tagal mong sagutin? Hindi mo ba naisip na nag-aalala ako sa'yo?"
"Deina, I'm sorry, I'm sorry kung hindi agad ako naka-reply sa mga texts mo. And yes, you don't have to worry about me dahil pinipilit kong maging okay sa mga nangyayari."
"Mabuti naman. 'Wag kang magpapaka-stress, hah? Isipin mo na lang na mas kailangan mo ng malawak na pang-unawa. Sa ngayon, ay mag-focus ka na lang muna sa kung anong bagay na p'wede mong pagkaabalahan. Magiging maayos din ang lahat, tutulungan kitang makuha mo ang karapatan mo sa bata."
"Salamat, Deina. Kaya mahal na mahal kita, e. You've always make me feel better." Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "O, sige na, I'll talk to you later at ihahatid ko lang muna sila mama sa Pasig at saka ako didiretso sa office."
"Ah, gano'n ba? Uuwi na pala sila tita. Sige, basta mag-ingat kayo."
"Okay, I love you."
"I love you too.." Pagkarinig niya no'n ay saka na niya ibinaba ang linya. At saka bumalik sa loob at nagsimula nang magmaneho.
Ligtas naman niyang naihatid ang magulang sa tirahan nito at laking pasasalamat din ng mga ito dahil nakatipid din sila sa pamasahe. At bago pa man siya tuluyang umalis ay nag-iwan siya ng pera para sa kaniyang magulang. Kasalukuyan naman din na tanging sila na lamang mag-ina ang naiwan sa labas dahil nagpapahinga na sa may upuan ang kaniyang ama. "Tanggapin mo na, ma. Hindi pa natin alam kung kailan ulit tayo magkakasama, e. Ipang-grocery n'yo 'yan o ibili ng mga gusto n'yong bilihin ni papa. Para naman makapag-relax kayo paminsan-minsan."
"Anak naman, sobra-sobra naman yata itong perang ibinigay mo. Sagot mo pa ang pang-maintenance ng papa mo buwan-buwan, e."
"Ma, ayos lang po. Masaya po ako na naibibigay ko sa inyo ang gusto n'yo. Inalagaan at pinalaki n'yo po ako hanggang sa magkamuwang ako sa mundo. At ibinabalik ko lang ang utang na loob ko sa inyo ni papa."
Bahagyang napahikbi ang kaniyang ina. "Anak naman, pinapaiyak mo naman ako, e. Pero hindi mo naman kailangang ibalik 'yon, e. Kagaya nga nang sinabi ko sa'yo kanina, hindi mo na kailangang may patunayan pa sa amin."
Tipid siyang napangiti at nagawang yakapin ang ina. "Tahan na ma, basta mahal ko kayo ni papa. At salamat sa inyong suporta sa bawat desisyon ko sa buhay."
Meanwhile, he was currently working that time when Aleng Ester called him. "Hello, Aleng Ester? Napatawag ka po?"
"Ahm, sir, itatanong ko lang po sana kung dito ka po uuwi mamaya? Para po sana maipaghanda kita ng hapunan."
"Ah, hindi ako uuwi riyan. Sa condo na lang muna. Gusto ko kasi munang mapag-isa after this. Actually, Aleng Ester, you can have a break habang wala pa naman si Angelie. I think it's the right time para makasama mo rin ang iyong pamilya. Don't you?"
"Ah, sir.. sa totoo lang, iyan nga po sana ang ipakikiusap ko. Tutal naman ay hindi pa naman bumabalik si Angelie.."
"Then go for it. Just take your time, Aleng Ester. And I'm so sorry for what is going on to our family."
"Naiintindihan ko po, sir. Mag-iingat po kayo palagi. Ako na lang po muna ang bahalang mag-padlock ng mga kailangang i-padlock dito. Para naman pagkauwi mo sa ibang araw ay maayos at safe ang bahay."
"Sige, Aleng Ester, salamat."
-
"Mama, let's go home.. I miss papa and yaya. I miss our home." Iyon ang ibinungad ni Angelie kay Elle bago pa man sumapit ang gabi.
"Baby, it's not the right time to get back home. Don't you remember that I told you about this, na magulo pa ang lahat. Paano kung paalisin ako ro'n nila mamita mo? And also of course, your papa. Baby, tiyak na malalayo ka ulit sa akin at ayon ang ayokong mangyari."
"But mama. We can live together in one home.. kaya ibalik mo na ako sa bahay natin, at umuwi ka na rin.. mama, please.."
"I can't, baby.." napapailing na wika ni Elle. Kaya roo'y nagdabog paakyat si Angelie. "Angelie, Angelie!" pagtawag niya subalit nagmatigas pa rin ito at nagmukmok sa k'warto.
Doo'y nasilayan niya ang kamay sa kaniyang balikat ni France. "Hayaan mo na muna si Angelie, masyado lang siyang naaapektuhan sa sitwasyon. Hindi mo masisisi ang bata."
"Pero ako ang ina niya at kahit umakyat pa sa hukuman ay sa akin pa rin ang custody niya."
"I know, but you can't change the fact that Gelo was still her father. At pagdating sa karapatan ay hindi dapat siya mawalan."
"Malinaw ang napag-usapan namin, France. Na ibibigay ko lang ang gusto niya kapag ibinigay niya rin ang gusto ko." Doon bahagyang natawa si France.
"And are you really sure na magbabago pa ang desisyon niya? That he was willing to sacrifice Deina over you? Elle, malinaw pa sa tubig ang pagmamahal ni Gelo para kay Deina."
"Iyon na nga, e. Kahit anong gawin ko, hindi na maibabalik 'yung pagmamahal ni Gelo sa akin dahil sa pesteng Deina na 'yan!"
"Tanggapin mo na lang kasi ang katotohanan. At sumama ka na lang kay Jeremiah kasama si Angelie. Magpakalayo-layo kayo para lalong magsisi si Gelo na mas pinili niya ang Deina na 'yon kaysa sa inyong mag-ina." Doon niya sinentro ng tingin ang kaibigan habang iniisip na maganda ang ideya nitong paglayo. "I am sure na nagpaplano na itong si Gelo na makuha ang anak niya sa'yo. And besides, ako lang naman ang kilala niyang tatakbuhan mong kaibigan, e."
For some reason, it is gonna be Angelie's third night upon staying from her Ninang France home. In fact, matagal ng patay ang unang nobyong Fil-am ni France na nagbigay dito ng bahay. Kaya naman nagkaroon ito ng magarang bahay at kotse at the age of twenty one. Kaya naman malaya ritong nag-i-stay ang nobyo nitong si Yuji, isang half japanese and half pinoy na nakilala nito sa isang hotel. Bale naging kliyente nila ito sa dating trabaho ni France bilang isang event coordinator.
Sa ngayon ay tanging online selling na lamang ang pinagkikitaan ngayon ni France habang sinusuportahan naman din ito financially ng boyfriend na si Yuji. Kaya wala itong problema pagdating sa pera.
"France, I guess your right, we have to leave this home now. Bago pa mahuli ang lahat." Sa sinabi niya ay doon napatango sa kaniya ang kaibigan. "But before we leave, I need a money."
"O, e, para saan pa? Sigurado naman akong hindi kayo pababayaan ni Jeremiah."
"The hell I care, bakit naman ako sasama kay Jeremiah? Of course not, I will raise my child, alone, France," malakas na paninindigan niya sa sarili.
"But how you can do it? Wala kang trabaho para maibigay ang lahat ng kailangan ni Angelie." Doon siya napayuko.
"It doesn't matter. Magtatrabaho ako. At papatunayan ko kay Gelo na kaya kong buhayin ang anak namin kahit wala siya. Hanggang sa ma-realize niya na karapat-dapat pa rin ako sa kaniya."
"Hay, Elle, I hope you'll get through from all of these. Hindi madali ang tumayong ama't ina sa isang anak. At habang lumalaki ang bata ay lumalaki rin ang pangangailangan niya."
"E, anong gagawin ko? Panindigan ko ang pagiging kabet kay Jeremiah?"
"If it is the best thing to do, then grab for it. C'mon, Elle, I know you, at alam kong hindi ka sanay sa mahirap na buhay. You are Elle Agustin, right?"
Bahagya siyang napangisi. "Yes. But please, France. May pakiusap lang sana ako sa'yo.."
"Ano 'yon?"
"Mangako kang hindi makakarating kay Gelo at sa magulang ko ang desisyon na gagawin ko.." Doon napabilog ang bibig ni France.
"So, does it mean na sasama ka nga kay Jeremiah?"
"Yes, kung ano ang mas makabubuti para kay Angelie. Magpapakalayo-layo muna kami."
"Okay, pero mami-miss kita," maluha-luhang wika ni France.
"Asus, 'wag ka na ngang maraming drama, hindi pa naman ako mamamatay, e."
Matapos ang pag-uusap na 'yon ay nag-impake na siya ng ilang mga damit na nakuha pa niya sa bahay nila ni Gelo no'ng gabing kinuha niya si Angelie. Nagpaalam pa sila ng maayos kay France ng gabing iyon. "Mama, where are we going?"
"'Wag nang maraming tanong, Angelie."
"But, mama--"
"S-sa isang kaibigan, doon tayo pupunta. So you please shut up." Matapos sabihin 'yon ay naging tahimik naman si Angelie sa biyahe habang kakontak niya naman sj Jeremiah.
Doo'y hindi naman siya napahiyang patuluyin sa bahay nito kahit isang gabi. "Wala na akong ibang malapitan kaya naisip kita. And of course, I will do this for my daughter."
"E, bakit mo pa kasi sinama 'yan? We can live together na tayong dalawa lang," pasimpleng bulong nito habang abala si Angelie sa pag-iikot sa buong bahay.
"Don't tell me na hindi mo tanggap ang anak ko? Akala ko ba ay pinangarap mong mangyari 'to?"
"Of course yes. H-hindi naman sa hindi ko siya tanggap. Pero paano kung, habulin siya sa atin ng asawa mo?"
"I don't care. I will not let Angelie to be on his custody. Besides, nandiyan ka naman para tumayong ama niya, 'di ba?" Malambing ang tonong pagkakasabi niya sa kaniyang huling pangungusap. Isabay pa ang mapang-akit niyang tingin na nagpakagat labi rito. Para lang mapapayag si Jeremiah sa kaniyang planong paglayo kasama ito.
"Alam mo namang pagdating sa'yo ay hindi ko kayang humindi." Malagkit ang tinginan nila sa isa't isa na tila mauuwi na naman sa kama. In fact, isa rin naman iyon sa dahilan kung bakit pinili niyang puntahan si Jeremiah sa kabila ng lahat, dahil pagdating sa kakulangan ni Gelo bilang asawa ay handa nito iyong punan.
Even if her heart was broken, she would rather to live with hypocrisy than being desperate all over again.