A DAY before Angelie's birthday was very hectic for Gelo. Lalo na't wala si Elle para gampanan ang obligasyon nitong pagbibigay ng invitation card at paghahanda sa kalalabasan ng venue. A venue is going to be held in a wide space of their veranda's house.
"Ma, I think it is much better if I would ask a help for an interior designer," sabi niya matapos subukang magdisenyo. Kauuwi niya lang kasi galing trabaho at wala siyang ideya tungkol sa mga ganitong bagay.
"Pero gastos lang iyon, anak. P'wede naman nating i-celebrate ang birthday ng aming apo ng simpleng kainan lamang, e. Tutal ay tayo-tayo lang naman."
"Gusto ko rin sanang gano'n, ang kaso ay minsan lang naman 'tong mangyari sa isang taon. So I want to give my daughter a one memorable birthday." Tipid na napangiti si Mrs. Madrigal sa sinabi niya.
"E, paano nga mangyayari 'yon kung parang wala namang pakialam si Elle sa darating na birthday ng anak niya? Mabuti pa't kontakin mo siya para may titingin-tingin bukas kay Angelie dahil tutulong akong magluto kay Aleng Ester ng mga pagkain."
"Iyon na nga, ma, e. I tried to call her many times pero ring lang ng ring ang phone. Sinasadya siguro niyang hindi sagutin ang mga tawag ko."
Doon napailing si Mrs. Madrigal. "Hay, masyado na kaming dini-disappoint ni Elle, parang pinaninindigan niya na talagang hindi na kayo isang buong pamilya. E, paano kaya kung papuntahin mo rito si Deina ngayon?"
"Sigurado ka ba riyan, ma?"
"Oo, at kung sakaling dito na siya dalawin ng antok ay patulugin na lang siya sa may guest room. Babae si Deina, at sa tingin ko ay may maitutulong siya sa pagdidisenyo."
Tipid siyang napabuntong hininga. "Okay sige, ma, susunduin ko lang siya sa work niya tapos didiretso na kami rito."
"Okay, sasabihin ko rin kay Aleng Ester na maghanda ng isang masarap na hapunan, wala naman sigurong masama kung makakasabay natin siya ngayong hapunan, 'di ba? Para naman mas makilala namin siya ng papa mo." Doon siya nasorpresa sa sinabi ng ina. He wasn't think that his mother could make an effort of getting to know more about Deina.
"Alright, oo naman po, ma. Ahm, just promise me na hindi makararating ito kay Elle. You know, iniiwas ko lang talaga si Deina sa maaari niyang gawin."
"Oo naman, anak. As long as you're happy sa relasyon mo with Deina ay nakasuporta lang kami ng papa mo. Habang mananatili namang welcome sa bahay na ito si Elle, kahit anuman ang ugaling ipinapakita niya sa amin, dahil hindi mawawala ang karapatan niya kay Angelie bilang isang ina."
-
Kalaunan nga'y dumiretso nila ni Deina sa bahay matapos niya itong sunduin sa trabaho. "Sigurado ka ba talagang ayos lang kila tita na sa inyo ako maghapunan ngayong gabi?"
"Oo naman, in fact, siya pa nga ang nagpresinta kay Aleng Ester na ipaghanda tayo ng masarap na hapunan," nakangiting aniya. At sa kaniyang pagsulyap sa nobya ay nahuli niyang nakatingin na pala ito sa kaniya.
Isang kindat ang pinakawala niya na halos nakapagpatameme rito. "Gelo!" He was assured that Deina would feel a romantic excitement right now. Kaya naman napapulupot ang kamay nito sa braso niya habang nagmamaneho. "Nga pala, hahanap ako ng design idea sa internet, first time ko kasi itong gagawin, e."
"Gano'n ba? Pero sigurado ka bang kaya mo? Kasi if ever not, p'wede naman akong kumuha ng interior designer bukas ng umaga."
"Gelo, sa tingin ko ay magagawa ko naman 'yon ng may gayahan. Just trust me," nakangiti pang saad nito.
"Okay, I am just wondering na baka pagod ka na at baka hindi na kayanin ng katawan mo."
"Ano ka ba, kakayanin ko 'to. Saka, I will do this for Angelie, minsan lang naman pati ito sa isang taon." Napangiti siya sa sinabing iyon ng nobya. Hanggang sa buksan ni Deina ang isang usapan na bahagyang ikaiinis niya. "Siya nga pala, hindi pa rin ba umuuwi si Elle?"
"Hindi, ahm, p'wede bang 'wag na natin siyang pag-usapan?" Nakita ni Deina ang pagkakunot ng noo niya at pagiging seryoso kung kaya't natahimik na ito hanggang sa makarating sila sa bahay.
"Magandang gabi po," pagbati ni Deina sa mama't papa ni Gelo.
"Magandang gabi rin, hija, maupo ka," pagpapaunlak dito ni Mrs. Angelou Madrigal.
"Nakahanda na ang hapunan, kumain ka na muna bago gawin ang nararapat gawin," sabi naman ni Mr. Evan Madrigal.
Napatango sila sa isa't isa habang inilahad naman ni Gelo ang kaniyang kamay kay Deina upang magkahawak kamay silang magtungo sa may dining area.
Doo'y masaya silang sinalubong ni Angelie. Habang gayundin naman ang ngiti ni Aleng Ester nang makita silang magkasama. "Papa! Mama Deina!" Nagkatinginan naman ang mag-asawa sa narinig mula sa kanilang apo.
Saka sila nagtatakang lumingon kay Gelo. Bagay na ipinaliwanag naman niya, "Ah, minsan na rin kasing nagkasama sina Deina at Angelie, ma at pa, at.. si Angelie po mismo ang tumawag kay Deina ng mama."
"Yes po, mamito and mamita, she's my Mama Deina, and she is my second mother!" bibo pang pagkakasabi ni Angelie. Na hindi maiwasang ikangiti ng mag-asawa.
"O, siya, kumain na tayo," ang sabi ni Mrs. Madriga. Kaya naman kaniya-kaniya na silang upo sa mga upuan na nakapalibot sa oblong shape na lamesa.
Naging masaya naman ang kanilang salu-salo hanggang sa hindi nila namalayan na may kung sinong nakapasok sa bahay. Nagkwentuhan pa sila sandali sa may salas habang inihahanda na ni Deina ang mga balloons at ribbons na gagamitin sa pagdidisenyo. Hanggang sa dalawin na rin nga antok si Angelie. "Aleng Ester, pakihatid na sa k'warto si Angelie, at bumalik ka agad para matulungan si Deina na dalhin ang mga balloons at ibang pang-design sa may veranda."
"Okay po, ma'am."
Nasunod naman ang inutos ni Mrs. Madrigal habang wala silang kamalay-malay na may masamang pinaplano si Elle. Bagama't nasaksihan na nito kanina kung paano ka-welcome si Deina sa pamilya.
Nag-ala akyat bahay gang ito dahil nagawa nitong dumaan sa likod upang makarating sa k'warto ni Angelie, kung saan niya ito balak salubungin. Tsinempo nitong nakaalis na si Aleng Ester bago gawin ang plano. At nagkataong nakaawang pa ang sliding window ng k'warto kung kaya't malaya siyang nakapasok doon.
Samantala'y tahimik at payapa na sanang matutulog si Angelie nang bumungad sa kaniyang harapan ang inang si Elle. "Mama?" Sinenyasan naman siya nito na tumahimik. At saka siya nito sinenyasan na lumapit. Wala naman siyang alinlangang lumapit sa ina at niyakap ito ng mahigpit. "Mama, mabuti at bumalik ka na, makakasama na rin kita sa birthday ko."
"O, yes, baby, magkakasama na tayo forever.. kaya sumama ka na sa akin, aalis tayo rito at magpapakalayo," sabi nito na nagpataka sa kaniya.
"But mama, tomorrow will be my birthday party, bakit tayo aalis? I thought that you were going to stay here with papa."
"No, baby, your papa and I have still a misunderstanding, and I hope you'll understand why I am doing this, it's because of you. Kaya halika na, umalis na tayo rito. Sumama ka na kay mama. And I promise you that we will going to celebrate your birthday kahit tayo lang."
"I can't, mama. I'm sure that mamito and mamita will be worry about me. You can stay here to celebrate my birthday."
Napailing siya. At dahil mahirap mapasunod si Angelie ay bigla niya na lang itong hinila at pinilit na umalis. Nagpupumiglas pa ito noong una subalit napasunod din. Bagama't walang kamalay-malay ang lahat sa baba tungkol sa masamang plano ni Elle. "Baby, you just need to hold this rope until you get back. Just hold tighter, baby," pagpapaalala pa ni Elle sa anak na mukhang kinakabahan sa pagkalula. Doo'y nagsimula nang humawak sa lubid si Angelie habang hindi naman mawala ang pag-aalala ni Elle. "Just hold tighter, please.." pagpapaalala niyang muli.
At doo'y maingat nga itong nakababa hanggang sa sumunod na rin si Elle. Napayakap pa sila sa isa't isa bago pa man tumulay sa bakod. "Mama, I can't go up to the backyard," umaangal na wika pa ni Angelie.
"But you should. Dahil hinihintay na tayo sa labas ni Ninang France mo," kalmadong aniya. Habang umiisip ng ibang paraan dahil nga sa kasalukuyang nasa front area nakapwesto si Deina kung kaya't malabong makadaan sila ro'n. Saka siya napamura sa isip, "Stupid, bakit ba kasi nandito pa ang Deina na 'yan!"
Pagkaraan ng ilang segundo ay naisip niyang ipasan ang anak sa likod niya upang tuluyan itong makaakyat sa bakod. "Just wait me until I get up, baby, just hold tighter." Sinunod naman ni Angelie ang instructions niya kung kaya't maingat sila parehong nakababa ng bakod upang tuluyang makalabas at para salubungin doon si France.
Todo dasal pa rin si France nang maabutan nila. "Tama na, magiging banal ka na sa kadadasal mo, France," aniya na nang tuluyan silang nakalapit dito.
"Hay, nag-aalala lang kasi ako sa inaanak ko, Elle, delikado ang ginawa ninyong pagbaba at pag-akyat sa bakod.. mabuti na lang at walang nangyaring masama sa inyo."
"Mabuti, pero mas mabuti kung aalis na tayo," aniya at saka ito lumingon sa anak na halatang pagod na pagod. "Baby, are you okay?"
"Mama, I can't do this. I can't leave this house without papa." Mukhang malungkot ang itsura ni Angelie habang sinasabi 'yon subalit hindi siya nagpaapekto sa nararamdaman nito at sa halip ay kalmado pa ring kinausap ang anak kahit medyo naiinis na.
"Baby, we can live together kahit wala ang papa mo. We can celebrate your birthday kahit tayong dalawa lang ang magkasama."
"But you promised, you promised that we will be complete on my birthday," katwiran ni Angelie na ikinatahimik niya.
"Pero, baby, alam mo naman na hiwalay na kami ng papa mo." Doon siya naluha. "And I'm sorry if I have to do this. Baby, ikaw na lang ang mayroon ako. So pleasw, don't leave me.. just stay beside me.." naluluhang aniya. At doon nga'y niyakap niya ang anak habang namumuo pa rin ang galit sa puso niya nang mapatanaw siya sa kabuuan ng bahay. Ay sa isip ay ngingisi-ngisi niyang sinabi ang mga katagang, "Let's see kung paano n'yo ice-celebrate ang birthday ni Angelie nang wala siya. Let's play hide and seek, Gelo and Deina."
-
Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na rin si Deina, kung saan ay naging katuwang niya si Aleng Ester sa pag-aayos. Dama niya na rin ang antok at pagod ngunit hatid pa rin niya ang isang ngiti, dahil sa wakas ay nagbunga ang kaniyang pagsisikap na magkaroon ng magandang venue ang birthday party ni Angelie.
"Napakaganda, Ma'am Deina. Sigurado akong matutuwa ang aking alaga rito."
Napangiti siya. "Salamat, Aleng Ester at sa pagtulong mo sa akin." Nagkatanguan pa sila bago magpasyang magpahinga. Samantala'y kasalukuyan na rin namang nagpapahinga sina Mr. & Mrs. Madrigal sa guest room. Habang si Gelo naman ay mahimbing na rin na natutulog sa kaniyang k'warto. Ni hindi na niya nagawang silipin ang anak sa k'warto dahil sa sobrang kaantukan. Pero bago naman siya matulog ay nagpaalam siya ng maayos kay Deina.
Matapos maihatid ni Aleng Ester si Deina sa isa pang guest room na siyang tutulugan nito ay saka lamang siya nagtungo sa may k'warto ni Angelie. Subalit, naalarma ang lahat sa pagsigaw niya. Kaya naman napabalikwas sa pagbangon si Gelo at maging sina Mr. Mrs. Madrigal. Habang huli namang napabangon si Deina.
"Hay, Aleng Ester, ano po bang nangyari at nagsisigaw ka?" tanong ni Gelo na tila nabitin pa sa pagtulog.
"Diyos ko, nawawala po si Angelie, sir!"
"Sigurado ka ba riyan?" tanong pa ni Gelo at saka nagawang silipin ang mismong k'warto ng anak.
"Hindi mo ba siya hinanap sa kahit saang sulok ng bahay?" tanong naman ni Mrs. Madrigal.
"Sigurado po akong wala siya sa kahit saang sulok ng bahay dahil bago pa man ako magtungo sa k'warto niya ay wala naman akong nakitang iba pang gising bukod sa akin." Doon na nagawang mag-alala ng lahat. At sa pagpasok ni Gelo sa k'warto ni Angelie ay napansin niyang bukas ang sliding window.
"Bukas ang bintana, ibig sabihin ay hindi kusang umalis si Angelie, kundi itinakas siya rito at sa bintana pinadaan." Nang silipin niya ang bintana ay napansin din niya ang lubid na nakatali rito.
"E, kung ganoon ay sino naman ang p'wedeng kumuha kay Angelie? Saka kung kidnapper iyon ay maririnig natin ang sigaw niya, 'di ba?" wika ni Deina.
"Hindi kidnapper ang kumuha kay Angelie, Deina. Planado ang lahat, may lubid at sinaktong bukas ang sliding window," aniya habang pinagbubuhol-buhol ang posibleng nangyari. Kaya bukod sa pag-aalala ay hindi niya maiwasang isipin na posibleng si Elle ang gumawa nito sa anak. "Sigurado ako na kagagawan ito ni Elle. Plano niyang itago sa atin ang bata dahil ayaw niya mismong humarap sa atin. Damn it, how could she do this to our daughter?" napapahilamos na aniya. Kaya roon sila lahat lalong nag-alala. Isabay pa ang pag-alala sa itinakdang kaarawan ni Angelie bukas.