LINGID SA kanilang kaalaman na mabilis na natunton ni Elle ang flower farm na kanilang kinaroroonan. "Excuse me, I am looking for my two lover friends. Do you have a lovers customer?" pagbungad niya sa binatang bantay doon na anak mismo ng may-ari ng farm. "Ah.. karaniwan po talaga ng mga customers namin, ma'am ay magkarelasyon. Pero, maaari mo po bang i-describe ang dalawang taong tinutukoy mo?" "The girl is smaller than me, balingkinitan at may mahabang buhok, while the boy is tall, dark, with a long eyelashes and pointed noise-- so briefly-- handsome." Para siyang sinupalpal ng sariling deskripsyon sa lalaking halos kamuhian na siya. How could she used to say good words from Gelo despite of their misunderstanding? "Ah parang may natatandaan nga akong ganiyan, sila Mr. Gelo Madrigal

