Chinny's Pov
Naglakad ako pabalik kung nasan ang mga kaibigan ko, nang makalapit ako sa kanila ay narinig ko ang pagtawag nila. Kagabi pa kami nakarating sa pinagmamalaking mansion ni Rhysand. Lumanlangoy sila sa malaking pool. Suot ko ang white see through dress.
"Chinny, dito!" Sigaw ni Tinnie. Pero bago pa ako lumusong papunta sa kanila ay natigilan ako saglit.
"Gelo, paki lagyan ako ng sunblock." Narinig kong sambit ni Jessa kasama niya si Farley na nakahiga sa sunbathing chair. Tinignan ko muna sila.
Napabangon si Angelo at tinignan ang lotion na hawak ni Jessa.
"No." Sambit ni Angelo, sabay higa ulit. Sinuot niya ulit ang kanyang sun glass. "Kung magpapalagay ka, why not ask Farley." Ngumisi ako nang marinig ko 'yon. Gumuhit sa mukha ni Jessa ang pagkadismaya. Ayan kasi dakilang malandi.
Bumaling na ulit ako sa pool saka lumuson. Nilangoy ko ang kinaroroonan nina Astrida at iba pa.
"s**t! May dikya ata dito sa pool niyo, Rhys!" Narinig kong sigaw ni Francel nang kumapit ako sa binti niya. Nang lumutang ako ay humagalpak ako sa tawa. Tumawa na rin ang iba. "s**t ka talaga, Chinny!"
"Tanga. Paano ba magkakaroon ng dikya dito? Pool po ito. POOL!" Sabi ko at pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya mula sa likod nito. Napatigil ako sa pagtawa ng may humampas na tubig sa mukha ko. Humagalpak ng tawa ni Lucifer. Bumitaw ako kay Francel.
"Walanghiya ka, Luci." Ginantihan ko siya. Umilag siya at tinamaan ang mukha ni Aki.
Nagtawanan kaming lahat dahil sa naiinis na mukha ni Aki. Sinakal niya si Lucifer at nagsimula magsabuyan ng tubig ang mga kasama ko.
Masaya kaming umahon sa pool para magready sa lulutuin namin. I forgot to mention, iisang kwarto ang binigay sa amin ni Angelo at naiinis ako. Tag-tipid ba itong si Rhysand at sinabi niyang kulang raw sa kwarto kaya tag-dadawa sa bawat room.
Angelo's Pov
"Bro, may sinabi na ba siya sa'yo?" Tanong ni Dagger nang makita niya akong nagbabarbeque. "May dapat ba siyang sabihin sa akin?" Pabalik kong tanong sa kanya.
Bakit ba ito sinama ni Rhysand?
"Habang kinakanta ko ang treat you better ni Shawn Mendes nakita ko sa mga mata niya na sapul siya. She looks guilty." Tumango ako sa sinabi niya. Hindi ko kasi 'yon alam. "Napansin ka pa ba?" Tanong ko.
Umiling siya. "A woman who only wants to receive and not give. Ito si Chinny sa buhay mo. She wants you to stay pero hindi ka naman niya kayang tanggapin sa buhay niya." Natigilan ako sa sinabi ni Dagger.
"What?"
"Darating ng panahon na gusto niyang nasa tabi ka niya pero hindi ka naman kayang tanggapin. Believe me, bro. It's the most painful thing to happen." Makahulugan siyang ngumiti sa akin. "And you'll get tired. Siya naman ang maghahabol sa'yo." Dagdag pa niya.
"Dami mong alam." Bulong ko.
"I know, because I've felt that kind of pain." Natulala ako sa sinabi niya. Umalis siya at nagtungo sa kinaroroonan ni Khairro.
Tinapos ko ang pagbabarbeque para makapag-ayos na ako ng aking sarili. "Ako na dyan, Gelo." Pag-aalok sa akin Farley, ngumiti ako sa kanya at hinayaan siyang tapusin ang ginagawa ko.
Nagmamadali akong umakyat at nagtungo sa kwarto kung saan ako nilagay ni Rhysand.
"Ang ganda pala dyan, babe."
Iyan ang bumungad sa akin pagpasok ko ng kwarto namin ni Chinny. Nakatalikod siya sa akin at kita ko kung sino ang ang ka-skype niya. Walang iba kundi si Kilorn.
Kumunot ang noo niya nang tumungin siya sa gawi ko. "Anong ginagawa ni Angelo sa kwarto mo, Chinny?"
Tumalikod na ako at nagtungo sa banyo, ngumisi ako.
"Iisa kami ng room."
"Fvck!" Nagpipigil ako ng tawa baka marinig nila ang halakhak ko. Dinig ko dito sa loob ng banyo ang boses nila. "Magpalipat ka ng kwarto, Chinny."
Nakakaloko akong ngumiti. I can smell my win.
Ilang saglit pa ay nawala na ang boses nila. Binilisan ko ang pagsha-shower at nakita ko si Chinny sa balcony.
May munting nakakalokong ngiti ang sumilay sa muka ko.
Kahit palipatin pa ako ni Chinny mamaya ay hindi ako aalis kahit siya pa ang lumipat ay hindi papayag ang tropa dahil napag-usapan na namin ito. That woman will share a room with me.
Pagkatapos kong magbihis ay siyang pagpasok niya sa loob, pinasadahan niya ako ng tingin at dumiretso siya sa banyo para makapag-shower.
Habang hinihintay ko siya nag-open ako ng f*******:, may isang status ang pumukaw sa akin habang tinitignan ko ang news feed. Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang status ni Dagger. Dagger posted it, three minutes ago. No one was tagged pero nakakakuha ito ng atensyon.
May mga nakita akong comment, kaya binasa ko din.
Farley Velasquez: Pinapatamaan mo talaga!
Khairro Lu: She needs to wake up.
Lucifer du Villon: Hindi na kasi siya naawa.
Rhysand Montifalcon: You're, right. That woman should wake up na.
Karmella Plaza: I know, nakakaawa na si guy.
Astird Malcal: Nakaasar na ang katangahan ni girl.
Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa, pero mas naunawaan ko ang mga komento nila nang mabasa ko ang status.
'He needed someone to treat him better. But only one girl he needs to treat him better. This woman is sure fvcking lucky with this guy. It hurts to be an option kapag wala na siyang makapitan.'
Gumaan ang pakiramdam ko sa pinost ni Dagger. Nakakagaan pala ng pakiramdam pag may taong nakakaintindi at nakakaramdam sa isang mahirap na sitwasyon na aking pinasukan.
Umiling at at saktong lumabas si Chinny sa banyo, nakabihis na din siya. Hindi man lang niya ako tinapunan kahit konting tingin. Ang ganda talaga niya.
Hinintay ko siyang matapos sa pag-aayos para sabay kaming bumaba. Nang nakita ko siyang papalabas na ay tumayo na ako. She's silent at wala siya sa sarili. I think inaway siya ni Kilorn dahil iisa ang room namin. Yeah, ang babaw niya.
Tahimik kaming nakarating sa pool area. Naglagay lang ng mahabang lamesa at mga kandila sa paligid. Pinasadahan ko ng tingin ang mga babaeng kasama namin.
Nangingibabaw pa rin ang kagandahan ni Chinny.
"Gelo." Nakangiting sabi ni Jessa at agad na sinukbit ang braso niya sa akin. Tiningnan kami ni Chinny at umirap nang mag-iwas siya tingin. Tangina! Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko kung kikiligin ba ako. I just saw jealousy on her face o baka nag-iilusyon lang ako.
"Upo na tayo?" Tumango ako sa kanya. Napaawang labi ko nang may binulong si Lucifer kay Chinny. I closed my fist. Pinagtitripan na naman ako ni Lucifer.
Tinapos muna namin ang pagkain bago nagsimulang mag-inuman, kumakanta na rin si Dagger. Nabibitter ako sa mga couples na kasama na nandito. Buti pa sila sweet. Ako? Wala pa ring pag asa.
Aki and Tinnie, Ardy and Achilles, Francel and Ailrey. Masyadong mga PDA At etong nasa dalawa sa harap ko na sina Astrid at Rhysand ay panay tawanan at bulungan. Nakakainis!
"Shot muna, Rhys. Masyado kayong nilalanggan dyan. Pati asin nilalanggam na baka sa susunod hantik na 'yan." Bulyaw ni Khairro. Napatingin naman ako kina Lucifer at Karma na busy sa pagtatalo.
"Chinny, ayos bang kasama si Gelo sa bahay?" Natigilan ako sa tanong ni Dagger, kinindatan ako ng gago. Sumulyap si Chinny sa akin.
"Anong ayos? Saang banda? Parati kaming nag-aaway." Sagot ni Chinny. Humagalpak naman ng tawa ang kaibigan ko. May pagtataka sa mukha ni Ailrey. Hindi niya kasi alam kaya may pagtataka.
"Paanong hindi tayo mag-aaway? Para kang araw-araw may dalaw. Lagi mo akong sinusungitan." Sabat ko. Inirapan ako ni Chinny. Mas lalong silang humagalpak ng tawa.
"Naguguluhan ako. Magpinsan ba si Chinny at Gelo?" Nagtatakang tanong ni Ailrey. Umiling si Francel sa kanya.
"Ang totoo kasi e, matagal na namin 'tong tinatago." Sambit ni Rhysand, tumingin siya kay Chinny. "Chinny, is it okay kung sasabahin ko kay Ailrey." Tinignan ako ni Chinny at bumuntong hininga.
"Pwede naman, but please keep it as secret. Itago mo na lang Ailrey." Kitang-kita ko ang pagkagat ni Chinny ang pang-ibabang labi niya. "Kasal kami ni Angelo." Nanlaki ang mata ni Ailrey.
"Huh? Akala ko bo-" Pinutol ni Farley si Ailrey.
"Kaya nga sekreto namin. Anong sasabihin ng ibang tao pagnalaman ng iba na may asawa siya tapos may boy friend pa? Magiging immoral ang pagtingin nila sa pinsan ko. For now, secret muna 'to." Tumango naman si Ailrey sa sinabi ni Farley.
"Let's jam guys!" Sigaw ni Dagger pag-iiba sa topic namin.
Nagtawanan kaming lahat dahil nilalagyan namin ng twist every lyrics ng kanta. Naramdaman ko ang kamay ni Jessa sa braso ko. Kahit ayaw kong gamitin si Jessa hindi ko pa rin maiwasan. Nahuhuli ko ang nakakamatay na sulyap ni Chinny. Napalunok ako nakakamatay talaga ang tingin niya.
"OMG! Ang dare 'wag kalimutan." Nakangiting sambit ni Rhysand. What!? Anong dare? Nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Chinny.
"Yeah, baka nakalimutan mo na. 'Wag mo kaming bibiguin lalo na si Ardy na nagbigay ng dare." Gatong ni Astrid. Kumunot ang aking noo.
"Anong klaseng dare?" Naglakas na ako ng loob para magtanong. Naramdaman ko ang pagbitaw ni Jessa sa braso ko at bumaling din sa usapan.
"Every girl sa group namin ay magbibigay ng dare kapag natalo sa isang laro. Kung sino ang dating na-dare ay siyang magbibigay ng dare kapag hindi nagawa ang dare may consequences." Paliwanag ni Karma, tumango baman ang ibang babae.
"Now, si Chinny ang uutusan ni Ardy. Kung kailan sinabi ni Ardy, that's the time na gagawin ang dare."
"Anong dare ni Chinny?" Tanong ni Francel.
"She need to give Angelo a lap dance." Nakakalokong saad ni Ardy.
Ano daw?
Parang umakyat lahat ng dugo sa katawan ko. Hindi ko magawang mag-function ng matino.