Alexandra Pagkagising ko wala na si Blayze. San naman yun nagpunta? Sumilip naman ako sa bintana at medyo mainit na. 9 na pala. Ang tagal ko nagising. Meron na ding ilan na naglalakad sa tabi ng dagat. Maganda kasi magtampisaw dun dahil sobrang linaw ng tubig. Parang masaya maligo dun ah! Pumunta ako agad sa may maleta ko at inayos ko ng lagay dun sa may maliit na cabinet. Nakita ko din dun yung ibang damit ni Blayze. Inayos nya siguro kanina. Kinuha ko naman yung isang terno ko ng two piece na kulay red. Buti na lang may dala akong ganito. Nahulaan ko na kasi na may beach sa pupuntahan namin eh. Naligo muna ako saglit tapos kinuha ko yung isang loose T-shirt ko at umabot naman un hanggang sa may hita ko. Maggaganito na lang muna ako. Maya ko na lang huhubadin pag maliligo na ako. Ki

