Blayze Nakarating na kami sa lugar na pinagdalahan ni Jechel Kay Priam. Wala ng ibang bahay dito at marami na ding mga puno. Hindi naman masyadong malaki yung bahay pero marami ding mga tauhan ni Jechel ang nagbabantay sa labas nito. Nasa van pa rin kami at medyo malayo ang sasakyan namin sa bahay. Mahirap na baka mahuli kami ng mga tauhan nya. Naghihintay na lang din ang mga pulis ng signal kung kailangan sila masugod. Kasama ko sa loob ng van si Alexandra na tumigil na sa pag iyak at titig na titig sa bahay na kinaroroonan ng anak namin. Andito din sina Shayra, Epma at Anne. Sumama ko na din sina Gian at Luke. I know that some of them are awkward with each other but still they come with us. And that is a big help for Alexandra because she wouldn't feel that she's alone. "Sir papasok

