"Tita sundan ko lang po si Priam" sabi ko at agad na tumakbo. Baka kung san na yon nagpunta. Hindi pa naman sya pamilyar dito. Ikot ako ng ikot kakahanap sa kanya hanggang sa makarating ako sa playground nung hospital. Nakita ko si Priam na nakaupo sa isang swing. Nilapitan ko naman sya agad. "Hey son!" I said and tap his little shoulder. Tumingin naman sya sakin. I carry him and walk to the nearer bench under the tree. He's on my lap. "Baby what's wrong? Why did you run?" Sabi ko ng mahinahon. Ayokong pati sakin matakot sya. At para naman akong nanlumo ng makita kong may tumulong munting luha sa mata ng anak ko. Hindi ko kayang makita syang umiiyak ng dahil sa mga problema na ako ang may kagagawan. "M..mom, is the guy earlier really my father?" That shocked me. So that's what he i

