Alexandra Eto yung oras na pinaka-kinatatakutan ko. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang gawin, basta ang gusto ko lang ay hindi sila magkita ng anak ko. Pero nangyari na. At ngayon yun. Dahil nga sa nakita nya si Priam ay lalo pa siyang nagpumilit na hindi umalis. Tatawagin ko na sana si Priam at papapasukin sa loob ng bahay ng hilahin nya si Blayze papasok at nagpunta sila sa living room. Wala naman akong nagawa at sumunod na lang. Hindi pa nag sisink in sakin ang lahat ng nangyayari. Si Blayze nakita ko ulit pagkatapos ng ilang taon at kasabay pa nun na nagkita din sila ni Priam. Ang tagal Kong tinago si Priam Kay Blayze tapos magkikita lang din sila sa huli? Nakakabobo lang. Gusto ko akin lang si Priam dahil wala syang karapatan. Ako yung nagalaga at nagluwal sa anak ko at wala s

