Alexandra Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Isa siyang kwarto na malaki. Hindi ito hospital sigurado ako. Napahawak naman ako sa tiyan ko. A...ang anak ko!? Asan na sya?! Nagpumilit akong bumangon pero Hindi ko talaga kaya dahil sa sakit ng katawan. Kailangan kong hanapin ang anak ko. Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas ito at para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng nakita ko kung sino yung pumasok. Si Blayze. Bakit andito sya? Siya ba ang nagkita sakin kanina? Nakita na nya ang anak namin? Ang laki na ng pinagbago nya. Dati ang kinis kinis ng mukha nya pero ngayon ay tinutubuan na ito ng maliliit na balbas. Malaki din ang kanyang eye bags. Malago na ang buhok na parang ang tagal na Hindi nagpagupit. Namayat din sya. Halatang halata na stress siya at pagod na

