“MA’AM, magdesisyon na kayo kung saan ko ba talaga kayo ihahatid? Kung sa NAIA ba talaga o sa terminal ng bus?” Nakita ko sa rearview mirror ng taxi ang pagsimangot ni Manong tsuper kaya inalis ko na lamang ang aking tingin sa labas ng bintana ng taxi. Nahihiya akong ngumiti kay Manong tsuper pero mabilis ko ring inihinto ang pagngiti ko. Pakiramdam ko kasi ay mapapansin na ni Manong tsuper ang panginginig ng mga labi ko. Ang totoo kasi niyan ay kanina pa ako naiiyak. Ilibang ko man sa mga nadadaanan namin ang atensiyon ko ay hindi ko mapagtagumpayan na labanan ang labis na kirot sa dibdib ko. Ang hapdi sa puso. Hindi ako napapagod umiyak. Hindi ko alam kung ano ang nararapat kong gawin sa pasakit na ito ni Zig sa akin. Pakiramdam ko habang dumadaan ang oras ay palalim ng palalim ang

