Hindi Sapat "Naku, parang mali naman talaga 'yon, Hy! Sabi mo nga 'di ba na ayaw din n'yang sabihin sa'yo 'yong tungkol dun sa dalawang taon na nanatili s'ya sa England. Baka naman may tinatago nga 'yong boyfriend mo." Pakiramdam ko napipinsala na ang utak ko dahil dito sa mga agam-agam na umusbong sa isipan ko. Pinilit kong itago na lang sana ang bagay na 'to sa sarili ko pero baka mabaliw ako kakaisip kaya nama'y sinabi ko na lamang ito kay Tracey. Pero hindi tulad ng inaasahan ko na baka gumaan ang aking pasanin kung may mapagsabihan ako ng aking problema. Mukhang mas lalo tuloy nasira ang utak ko dahil sa mga nakakahindik na points of view ni Tracey. Totoong kaibigan ko nga talaga ang isang ‘to! Ngunit tama din s'ya. Parang may inililihim nga talaga sa akin si Zig. Pareho kami ng o

